Kim Chiu Enjoy Sa Pagiging Single Sa Amerika Kasama Ang Mga Kaibigan

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Tila ini-enjoy na ng husto ng actress-TV host na si Kim Chiu ang kanyang pagiging single matapos kumpirmahin ang hiwalayan nila ng kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim.


Sa kamakailang episode ng showbiz vlog ni Ogie Diaz isiniwalat niya ang pagkikita nila ni Kim Chiu sa Universal Studio sa America kung saan kasama nito ang kaibigan na si Bella Padilla.


Ayon kay Ogie Diaz sa kabila ng pagbabalita nila ng mga nakakalungkot na update patungkol sa buhay pag-ibig ni Kim Chiu sa kanilang YouTube channerl ay nagkayakapan na lamang umano sila ni Kim Chiu ng magkita sila sa ibang bansa.


Dagdag pa ni Ogie Diaz na mas pinili na lamang umano niya na huwag nang ungkatin pa ang naging hiwalayan nila ng kanyang boyfriend si Xian Lim, bilang pagrespeto na rin sa privacy nito.


Nakikita rin naman umano niya na tila nag-eenjoy naman ang aktres sa pagbabakasyon nito sa ibang bansa kasama ang malalapit na kaibigan.


Sa mga Instagram posts ni Kim, makikita ang pag-eenjoy nito kasama ang mga kaibigan na sina Bela Padilla at Angelica Panganiban. Hiling naman ng mga kaibigan at tagasuporta ni Kim Chiu na sana sa taong 2024 ay makamtan na ng aktres ang healing sa kanyang pusong nasugatan dala ng failed relationship nila ni Xian Lim.


Matatandaan na noong December 20, 2023, bago mag-Pasko ay tuluyan nang inamin nina Kim Chiu at Xian Lim ang kanilang paghihiwalay. Sa kabila nito marami pa rin sa kanilang mga tagahanga ang napapatanong kung ano ang dahilan kung bakit basta na lamang nilang tinapos ang mahigit labin dalawang taon ng pagmamahalan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo