Wedding Highligts! Sa Kasal Ni Angelica Panganiban at Gregg Homan Sa Los Angeles California

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Kasabay ng pagsalubong sa bagong taon, sinalubong ng aktres na si Angelica Panganiban ang kanyang mga tagahanga sa isang masayang balita.


Nitong Enero 1, 2024, masayang ibinahagi ni Angelica Panganiban sa lahat ng kanyang mga tagasuporta ang pagpapakasal nila ng kanyang longtime partner na si Gregg Homan.


Isang simple and intimate wedding ang naganap sa pagitan nila na dinaluhan ng ilang malalapit na kapamilya at kaibigan nilang dalawa sa ibang bansa.


Nagtungo sa Los Angeles ang mga kaibigan at ilang mga kamag-anak ni Angelica Panganiban at Gregg Homan upang masaksihan ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isang American citizen si Gregg Homan kaya naman nagpakasal sila doon.


Ang kasal ng dalawa ay naganap noong December 31, 2023, huling araw ng taong 2022, very rare din umano ang petsang ito dahil umuulit ang mga numerong 1 2 3 1 2 3. Dahil dito, napili nina Gregg at Angelica na ito na ang tamang petsa kung kailan sila ikakasal.


Ibinahagi rin ng make-up artist ni Angelica Panganiban ang ginawa niyang look para sa aktres, ayon sa kanya, gandang Angelica lamang ang lahat dahil hindi siya naglagay ng mga fake lashes at contact lenses para ma-enhance ang ganda nito.


Nagbigay rin naman si Angelica ng mensahe sa kanyang make-up artist na isa rin sa kanyang mga kaibigan, kung saan pinasalamatan niya ito sa effort nito at ipinahayag pa kung gaano niya ito kamahal.


Ibinahagi rin ni Angelica Panganiban ang isinagawang pre-nup shoot nila ni Gregg Homan sa isang burger house sa LA na paborito nilang kainan na mag-asawa.


Marami naman ang natutuwa kay Gregg Homan dahil sa kabila ng pagiging businessman nito ay napakahumble at napakabait pa umano.


Hindi naman nawala sa espesyal na araw ni Angelica Panganiban ang kanyang mga malalapit na kaibigan na sina Kim Chiu at Bela Padilla. Maging sa Instagram account ni Kim Chiu ay ibinahagi rin niya ang espesyal na araw ni Angge.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo