Full Story! DNA Testing Controversy Kay Sarah Lahbati at Richard Gutierrez Sangkot Si Annabelle Rama

Martes, Enero 2, 2024

/ by Lovely


 Nitong nagdaang holiday season ay kasama ni Sarah Lahbati ang kanilang dalawang anak ni Richard Gutierrez na sina Zion at Kai, nagbakasyon sila sa Bohol habang ang kanilang padre de pamilya ay nagbakasyon naman sa Japan kasama ang Gutierrez family.


Napansin naman ng mga netizens sa kamakailang mga larawan na ibinahagi ng dalawa sa kani-kanilang mga social media accounts na kuha mula sa kanilang pagbabakasyon, na kapwa hindi na nila sinusuot ang kanilang wedding ring.


Samantala, sa kamakailang episode ng showbiz oriented vlog ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz, isiniwalat nito na noon pa umanong August naghiwalay sina Richard at Sarah. Sa ngayon ay hinihintay na lamang umano ng dalawa ang annulment process na inihain nila upang tuluyan nang mawalan ng bisa ang kanilang kasal.


Sa gitna ng usapin patungkol sa hiwalayan nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, may ibinahaging throwback photo ang aktres na kuha pa noong 1996 kung saan marami sa mga netizens ang nakapansin na kamukha ni Sion ang ina na si Sarah noong kabataan nito.


Samantala, naging usap-usapan naman ang naging sagot ng ina ni Sarah Lahbati na si Ester sa isang komento ng netizen kung saan kapansin-pansin ang pagbanggit nito patungkol sa pagpapa-DNA test sa mga anak.


Ayon sa ina ni Sarah Lahbati, matatanggap pa umano niya ang mga pagkakamali ng kanyang asawa subalit ang pagpapaDNA nito sa kanilang mga anak dahil sa pagdududa na baka hindi sa kanya ay kalabisan na umano at hindi na niya kayang tanggapin pa.


Matatandaan na lumutang noon ang balitang pinapaDNA test umano ng mga Gutierrez ang isa sa mga anak nina Sarah Lahbati at Richard Gutierrez, hindi naman ito nakumpirma noon subalit, kung pagbabasehan ang naging komento ng ina ni Sarah Lahbati ay tila nakumpirma na ang dating isyu patungkol sa pagpapa-DNA sa isa sa mga anak ni Sarah Lahbati.


Nagpasaring pa ang ina ni Sarah Lahbati kay Richard Gutierrez, ayon sa ina ni Sarah, bakit galit ang aktor sa kanyang asawa gayung hindi naman umano nito pinapayagan si Sarah noon na umalis noon na walang kasamang bodyguard. Ngayon lamang umano nakakalabas si Sarah Lahbati na walang kasamang bodyguard na sila naman ang nakakasama nito.


Ibinunyag din ng ina ni Sarah na labis ang pagkaseloso ni Richard Gutierrez subalit magpapa-DNA pa ang mga ito. Pinasaringan pa niya ang mga ito na baka mapahiya lamang.


Sa kabila ng hayagang pagsasalita ng ina ni Sarah Lahbati patungkol sa hinihinging DNA test ng mga Gutierrez, nananatiling tikom naman ang bibig ng kabilang kampo hinggil sa nasabing isyu. Maging si Annabelle Rama na kilalang sumasagot sa mga isyu ay tila pinipigilan rin ang kanyang sarili na sagutin ang mga magulang ni Sarah.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo