Kathryn Bernardo May Gagawin Pasab0g Patungkol sa Kanyang Career

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely

Sa kabila ng heart break na pinagdaanan ng aktres na si Kathryn Bernardo nitong nagdaang taon dahil sa paghihiwalay nila ng kanyang long time boyfriend na si Daniel Padilla, tuloy-tuloy naman ang natatanggap niyang blessings sa pagpasok pa lamang ng 2024.


Sa ngayon ay nagbabalik na trabaho na ang aktres na si Kathryn Bernardo matapos ang kanyang pagbabakasyon at pagrerelax kasama ang ilang malalapit na kaibigan.


Napansin ng mga netizens na mula nang maghiwalay na umano sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay tila naging malaya na ang aktres na gawin ang mga bagay na dati pa niyang gustong gawin subalit hindi maari dahil pinagbabawalan siya ng dating nobyo.


Kabilang na sa mga ipinagbabawal umano ni Daniel Padilla noon kay Kathryn Bernardo ay ang pagsuot ng mga daring na damit at pagbabahagi nito sa social media. Pinagbabawalan din umano ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo na uminom kasama ang kanyang mga kaibigan.


Ayon naman sa aming nakalap na impormasyon, maraming mga endorsement at projects ngayon ang naghihintay ngayon kay Kathryn Bernardo, lalo pa umano itong dumadami ngayon dahil sa pag-ingay ng hiwalayan nila ni Daniel Padilla.


Marami sa mga brand ang kumukuha ngayon ka Kathryn Bernardo dahil alam nilang ang aktres ang nakakuha sa simpatya ng publiko matapos maglabasan ang panloloko rito ni Daniel Padilla.


Samantala, usap-usapan naman ngayon ang balitang may gagawing matinding pasabog si Kathryn Bernardo sa darating na February 2, 2024, kaya naman minarkahan na ito ng kanyang mga tagahanga dahil aabangan umano nila ang isisiwalat ni Kathryn Bernardo.


May mga nakapansin naman na hindi na umano makikita kay Kathryn Bernardo ang bakas ng paghihiwalay nila ni Daniel Padilla gayung matagal din silang nagkarelasyon at kamakailan pa lamang nila inamin ang kanilang paghihiwalay.


Sa ngayon ay makikitang masayang-masaya na si Kathryn Bernardo habang patuloy na ginagawa ang trabaho niya sa showbiz. Tila lalo pa itong gumanda ngayon na wala nang Daniel Padilla sa kanyang buhay.


Patuloy namang nakakatanggap ang aktres ng pagsuporta mula sa kanyang mga pamilya, kaibigan at maging mula sa kanyang mga tagahanga.


Kasalukuyang abala naman si Kathryn Bernardo sa kaliwa't-kanan niyang photoshoot, tila naghahanda na rin ito sa muling pagpipirma ng kontrata sa ABS-CBN.



 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo