Daniel Padilla Pinagtanggol Ng Isang Endorser, Donny Pangilinan May Nilinaw Ang Isyu

Martes, Enero 30, 2024

/ by Lovely


 Sa gitna ng mga natatanggap na pambabatikos ngayon ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla at mga isyung kinakaharap nito patungkol sa kanyang mga iniendorsong brand, may nagtanggol sa aktor at sinabing hindi totoo ang ilan sa mga kumakalat na isyu patunkol rito.


Sa pagpirma muli ng kontrata ni Daniel Padilla sa Star Magic, tila napabulaanan nito ang bali-balitang bibitawan na siya ng Star Magic dahil sa mga isyung kinaharap niya mula nang maghiwalay sila ni Kathryn Bernardo.


Samantala, patuloy pa ring kumakalat ngayon ang mga chikang ibinibenta na ni Daniel Padilla ang kanyang negosyo sa halagang 50 million pesos. 


Bukod pa rito, may mga kumakalat ring isyu kung saan, sinasabing papalitan na si Daniel Padilla bilang endorser ng kilalang fast food chain na KFC dahil nawawalan na umano ng tiwala sa pangalan ni Daniel ang nasabing brand.


Ayon naman sa inilabas na update ni Cristy Fermin sa isa sa kanyang programa na nagbabalak umano ngayon ang aktor na mangibang bansa at roon magsimula ng panibagong negosyo kaya naman nangangailan ito ng malaking halaga ng pera.


Isa pa sa mga pinag-uusapang isyu ngayon ay ang pagpapalit umano kay Daniel Padilla ay walang iba Donny Pangilinan bilang panibagong endorser ng KFC.


Samantala, tila pinabulaanan naman umano ito mismo ng KFC kung saan inilahad nilang mananatili si Daniel Padilla bilang endorser nila. Marami rin ang naniniwalang imposible na maging endorser ng KFC si Donny Pangilinan dahil isa ito sa mga endorser ng Jollibee.


Sa kabila naman ng kaliwa't-kanang pambabatikos na kinakaharap ngayon ni Daniel Padilla, nanatili pa ring tahimik ang aktor at tila pinapabayaan na lamang niyang manahimik at lumamig ang isyu.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo