Liza Soberano NABADTRIP kay Kathryn Bernardo Dahil sa Pag Agaw ng Hello Love Goodbye

Linggo, Enero 28, 2024

/ by Sparkle

 


Ibinunyag ng aktres na si Liza Soberano na ang Blockbuster movie na "Hello, Love Goodbye" na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ay unang inoffer sa kanya at sa on-and-off screen partner na si Enrique Gil. 


Mapapanood nga sa latest Youtube video ni Bea Alonzo, sinabi ni Liza na gusto niyang gawin ang pelikula pero nabigla siya nang ialok ito kina Kathryn at Enrique. 


"While doing Bagani, nabalitaan ko na they offered to film Kathryn and Quen. Tinanong ko kung bakit nila ginawa yun. I asked them to save the project for me and Quen noong pinitch sa amin.", dagdag ng aktres.


Saad ni Liza ay sana i-save ang offer para sa kanilang dalawa ni Enrique Gil ngunit nagulat na lamang siya nang malamang nag-ooffer na ang mga ito kina Enrique at Kathryn.


Inamin ni Liza na natatakot siya na baka hindi na makita ng fans ang LizQuen tandem matapos ang Bagani kapag ginawa niya ang Darna. 


Takot raw si Liza na baka pagkatapos ng Bagani, kung itutuloy niya ang Darna, ay wala na yung LizQuen tandem nila at ayaw niyang biguin ang kanyang mga fans. Inamin rin niya na comfort zone niya si Enrique Gil. 


Narealize ng aktres na marami siyang hindi nagawa sa kanyang sampung taong career sa ABS-CBN. Sa buong career niya ay nakikita lamang daw siya sa isang loveteam. 


Dahil dito ay rumesbak naman ang fans ni Kathryn sa Twitter at inilabas ang kanilang reaksyon sa rebelasyon ni Liza. 


Saad ng mga netizens, hindi magtatagumpay ang Hello, Love Goodbye kung si Liza ang gumanap dahil hindi raw ito bagay sa kanya. Hindi rin daw karakter lang si Joy, si Joy ay si Kathryn Bernardo.


Walang sinuman ang makakapagbigay ng hustisya sa karakter ni Joy kundi si Kathryn Bernardo lamang. Maaaring hindi first choice si Kathryn Bernardo pero ang karakter na ito ay nakatadhana na para kay Kathryn na magampanan. 


Matatandaang kamakailan lang ay nakatanggap ng matinding pambabash ang aktres na si Liza Soberano matapos niyang magrebrand ng kanyang pangalan at isiniwalat ang kanyang damdamin tungkol sa kanyang career.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo