Mula nang lumabas ang balitang ibinibenta na ni Daniel Padilla ang kanyang kauna-unahang sportscar na sinasabing unang naipundar nila ni Kathryn Bernardo, hindi na tinantanan ng mga isyu ang aktor patungkol sa paghihirap umano nito.
Lalo pang tumunog ang balitang ito nang naibalita naman binibenta na rin nila ng kanyang ina na si Karla Estrada ang kanilang bahay sa Commonwealth, Quezon City.
Ayon sa mga naglabasang ulat na mismong ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang nagbahaging binibenta na nila ang kanilang mansion sa halagang fifty million pesos.
Marami ang nagsasabi na tila may financial problem umano ngayon ang pamilya ni Daniel Padilla dahil sa sunod-sunod na pagbebenta nila ng mga ari-arian. May mga naglabasan pang ulat na umano'y may pagkakautang si Karla Estrada kay Kathryn Bernardo na sinisingil na ngayon ng aktres.
Sa kabila naman ng mga espekulasyong ito, nilinaw ng mga malalapit kay Karla Estrada na matagal na umanong binibenta ng actress-host ang kanilang bahay dahil binabalak na umano nila na lumipat sa South.
Samantala, bukod sa pagmamay-aring barbershop ni Daniel Padilla, may isa ring siyang lifestyle store na naglalaman ng mga latest clothing apparel na ginagamit sa skateboarding.
Sa kamakailang showbiz update nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Tita Jegs na inilabas nila sa kanilang YouTube vlog, isiniwalat ni Ogie Diaz na sinabi sa kanya ng kanyang source na may 16 branches ang nasabing high-end store ni Daniel Padilla.
"Meron siyang labing-anim na branches, 'yung ilan doon ay kasosyo si Daniel Padilla," pahayag ni Ogie Diaz.
Napatanong naman si Mama Loi kung sa mga nasabing negosyo ay may solong pagmamay-ari ba si Daniel Padilla.
Kaagad naman itong sinagot ni Ogie Diaz na mayroon namang solong pagmamay-ari si Daniel iyong nasa UP Town sa Center-Quezon City.
Dagdag pang pahayag ni Ogie Diaz para kay Mama Loi, "Across the board as in lahat ng stores ay up to 70% ang discount ng ibinibigay, kasama jan 'yung store ni Daniel."
Napag-usapan rin nila na may mga share din sa mga negosyo ng aktor sina Zanjoe Marudo at Joshua Garcia sa ibang mga branch ng nasabing negosyo.
Samantala, isiniwalat rin ni Ogie Diaz na hindi na umano nagre-restock ang branch na pagmamay-ari ni Daniel Padilla at pinapaubos na lamang ang mga stocks.
Naitanong naman ni Mama Loi kung tuluyan na bang magsasara ang negosyo. Kaagad namang inamin ni Ogie Diaz na nakarating nga sa kanya ang mga balitang ito subalit hindi naman umano niya pangungunahan ang aktor at ayaw rin umano niyang maniwala na ito ang mangyayari.
Ang pinaniniwalaan lamang umano ngayon ni Ogie Diaz ang 70% off na dapat samantalahin ng mga netizens at mga fans na hanggang ngayon ay naniniwala pa rin kay Daniel Padilla.
Kukumpirmahin rin umano nila sa nasabing store kung pinapaubos lamang ba nila ang stocks para sa darating na panibagong designs o talagang magsasara na ang store ni Daniel Padilla.
Hinala naman ni Ogie Diaz na kung magsasara man ang negosyong ito ni Daniel Padilla ay magtatay naman ito ng panibago o may sososyuhang panibagong negosyo.
Walang komento
Mag-post ng isang Komento
Share your opinion now!