Detalye Sa Paninisi Ng Fans Ni Pia Wurtzbach Kay Heart Sa Denied Flight Ng Ex-Glam Team Niya!

Biyernes, Enero 26, 2024

/ by Lovely


 Pinagkakaguluhan ngayon ng mga netizens ang lumabas na balita noong nakaraang araw tungkol sa umano'y hindi pagpayag ng airlines na sasakyan sana ng dating glam team ni Heart Evangelista na sina Jeck Aguilar at Justine Soriano sa pag-alis ng mga ito papuntang UAE.


Hindi naman maiwasan ng ilang mga netizens na balikan ang dati nilang isyu noon nang biglaan silang umalis sa puder ni Heart Evangelista at lumipat sa puder ni Pia Wurtzbach.


Samantala, ayon sa mga lumalabas na impormasyon ngayon, wala naman umanong makitang dahilan kung bakit hindi hinayaang makaalis ng bansa papunta sa Dubai kung saan sila magkikita ni Pia Wurtzbach.


Ayon sa mga naglabasang ulat, mismong sa check in counter pa lang ng Philippine Airlines ay sinabihan na silang hindi sila makakaalis dahil nakalagay sa system na not allowed to board ang dalawa.


Ikinagulat naman ito ng dalawa dahil ito pa lamang ang unang pagkakataon na pinagdaanan nila ang nasabing isyu. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na paalis-alis na ng bansa sina Jeck Aguilar at Justine noong nasa puder pa lamang sila ni Heart Evangelista.


Kasa-kasama sila noon ni Heart Evangelista sa pagpupunta nito sa ibang bansa at maging noong lumipat sila sa puder ni Pia Wurtzbach ay nakapagtravel na rin sila.


Sa pagkakaalam rin umano nilang dalawa ay wala naman silang nilabag na batas sa bansa para maging red flag sila sa international flights. Wala rin umanong inilabas na hold-departure order laban sa kanilang dalawa.


Inilahad naman ng dalawa na bakasyon ang ipinunta nila sa Dubai at hindi fashion week, hindi rin umano sila magtatrabaho roon para kay Pia Wurtzbach. Nais lamang umano ng dalawa na makabisita sa bahay ni Pia sa Dubai at makilala na in-person ang mister nitong si Jeremy Jauncey.


Subalit ang mas nakakagulat ay ang hindi rin pagkakaharang din sa kanilang assistant na si Kino at ng road manager ni Pia sa Empire PH na si Cheska. Maging ang mga ito ay hindi rin nabigyan ng malinaw na dahilan kung bakit hindi sila maaring magtravel papuntang UAE.


Samantala, nadawit naman ngayon ang pangalan ni Heart Evangelista sa nangyaring pagkakaharang ng glam team ni Pia. Sinisisi ngayon ng ilang mga netizens ang fashion icon sa kinahinatnan ng apat.


Ayon pa sa ilang mga netizens na tila may kakayahan naman umano ang actress-fashion icon na si Heart Evangelista na makapagpa-hold ng flight dahil sa asawa nitong senador.


Imposible rin naman umano na walang tao sa likod ng pagkaka-off load ng glam team ni Pia na may maayos na dokumentong hawak. Nang magpunta naman sila sa embassy ay lumabas na good to go naman sila papuntang Dubai at wala ring problema ang kanilang visa.


Kinabukasan ay nakapagbook sila ng panibagong flight, dumaan muli sila sa proseso ng check in, na print na rin ang kanilang mga luggage tag at naibigay na ang kanilang mga bagahe sa airport staff subalit, laking gulat na lamang nila ng hindi naman ma-print ang kanilang boarding pass.


Sa huli, hindi rin nakasama sa nasabing flight ang apat.


Tinitingnan naman ngayon ng ilang mga netizens na ang dahilan ng pagkakaaberya ng glam team ni Pia ay ang hidwaan na nangyari noong isang tao sa pagitan nina Jeck at Justine sa dating siniserbisyohan nilang si Heart Evangelista.


Matatandaan na naiulat noon na ang dahilan ng pag-alis nina Jeck at Justine sa puder ni Heart Evangelista ay ang pangingialam umano ng dalawa sa credit card ng aktres. Agad naman itong pinabulaanan ng dalawa at sinabing si Heart lamang ang may access sa credit card nito.


Higit sa lahat may sari-sarili naman silang cards kaya hindi na nila kailangan pang gumamit ng card na pagmamay-ari ng iba.


Samantala, naghinala ang mga netizens na hindi pa umano lubos na matanggap ni Heart Evangelista na iniwan siya ng kanyang dating glam team kaya naman tila gumaganti umano ito ngayon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo