Totoong Dahilan Sa Pag-absent Ni Karylle Sa Guesting Nina Dingdong Dantes, Marian Rivera sa It's Showtime

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay iniintriga parin ang actress-host na si Karylle kung bakit umabsent siya sa It's Showtime noong nag-guest ang dating nobyo nitong si Dingdong Dantes kasama ng asawa nitong si Marian Rivera.


Matatandaan na kamakailan lamang ay nagpromote ang mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera ng kanilang pelikula na Rewind under Star Magic si It's Showtime.


Samantala, naitanong kay Vice Ganda kung bakit wala si Karylle sa kanilang show nung maging guest nila sina Dingdong Dantes at Marian Rivera. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng lahat na hindi naging maganda ang paghihiwalay noon nina Karylle at Dingdong Dantes kung saan si Marian Rivera ang itinuturong third party, kaya naman may mga naglabasang ulat na hanggang ngayon ay hindi pa rin maayos ang relasyon nilang tatlo.


May mga netizens naman na naintindihan ang sitwasyon ni Karylle, sa pag-iwas nito sa dalawa upang maiwasan ang ilangan. May mga nagsasabi pa na normal lamang ito dahil totoong minahal noon ni Karylle si Dingdong Dantes at masakit na ipinagpalit siya nito sa iba sa kabila ng matagal nilang relasyon.


May mga nagsasabi pa na mas mabuti na umiiwas na lamang si Karyllle sa dalawa kaysa sa makipagplastikan sa mga ito sa It's Showtime. Ipinunto pa ng mga tagahanga ni Karylle na kahit matagal na itong nangyari at nakapag-move on na rin si Karylle hindi ibig sabihin na hindi na makakaramdam ng awkwardness si Karylle sa dalawa.


Hinala naman ng ilang mga netizens na bago pa man ang guesting ng mag-asawa sa show ay nakaplano na ang pag-absent ni Karylle upang maiwasan ang mga intriga. May mga naghinala pa na si Marian Rivera umano ang nag-suggest nito upang makaiwas na sila pare-pareho sa isyu at matutok na lamang ang atensyon ng mga netizens sa kanilang pelikula na Rewind.


Sa kabilang banda, hindi pa rin naiiwasan na may mga netizens na iniintriga si Karylle dahil sa hindi nito pagsipot sa show, tila ipinapakita umano nito na bitter pa rin siya at hindi pa tuluyang nakakamove on sa nangyari noon. May mga nagsasabi pa na very unprofessional si Karylle dahil hindi nito kayang pakisamahan sina Dingdong Dantes at Marian Rivera gayung ilang taon na ang nakalipas at may asawa na rin naman siya.


Sa kabilang banda, hindi pa naman nagbibigay ng anumang pahayag ang actress-host na si Karylee hinggil sa isyung pag-absent niya sa It's Showtime para makaiwas kina Marian Rivera at Dingdong Dantes.


"Hindi kasi good ung break up kaya hurting talaga  nawalang kapatawaran ang ginawa bakit makiplastikan ka sa nga taong  ng bigay ng bitter sayo"


"Hindi talaga sila ang naka tadhana kaya I accept na lang. Wala namang kasalanan si Marian kasi sya ang mas pinili ni Dingdong na makasama sa buhay. At siguro may proper break up na ginawa si Dingdong ng maki paghiwalay sya. At hindi lang siguro matanggap yon ni Karyl.  Pag hindi kayo para sa isat isa…accept and moved on na lang."


"Tama lng ginawa ni Karyl.

Dingdong cheated.Mariane is like Andrea in those times.Obvious nmn n inlove todo si Mariane ky tlgang inakit/tinukso si Dingdong"





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo