Kim Chiu Iyak Ng Iyak Sa Christmas Party

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 May panibagong chika na nakarating sa kasamahan ng showbiz reporter at talent manager Ogie Diaz, na si Tita Jegs sa kanilang online showbiz oriented vlog na Showbiz Update patungkol sa award winning actress-host na si Kim Chiu.


Sa kamakailang episode ng showbiz update, ibinahagi ni Tita Jegs, na nag-eemote umano ang actress-host na si Kim Chiu sa after party ng live taping ng ABS-CBN Christmas party special. Iyak umano ito ng iyak sa kanyang mga malalapit na kaibigan. Kinu-comfort naman umano siya ng kanyang mga kaibigan habang nag-eemote at tinatanong kung bakit ginaganoon siya ng mga lalaki gayung nagmamahal lang naman siya ng totoo.


Matatandaan na iniwan rin noon ng boyfriend na si Gerald Anderson si Kim Chiu at kaagad na ipinagpalit sa iba, ito rin umano ang nangyari sa kanila ni Xian Lim makalipas ang mahigit 12 years nila bilang boyfriend-girlfriend.


Dagdag pa ni Tita Jegs, buti na lamang ay naroon umano si Joshua Garcia na naging karamay ni Kim Chiu, ito rin umano ang palaging kinukulit ng aktres.


Samantala, tila sinaway naman ni Ogie Diaz si Tita Jegs, dahil maaari rin umanong mali ang source nito dahil normal lamang umano sa mga artista na kapag nagkakasama ay nasitsika-tsika. Kaya naman baka ito lamang umano ang nangyari ngayon kay Kim Chiu at Joshua Garcia.


Sinabi pa ni Ogie Diaz na baka iniintriga lamang ng source ni Tita Jegs sina Kim Chiu at Joshua Garcia. Kaagad namang nanindigan si Tita Jegs na matagal lang umanong nagktsikahan doon sina Joshua Garcia at Kim Chiu subalit wala naman umanong malisya sa pagitan nilang dalawa.


Samantala, marami naman ngayon sa mga netizens ang naniniwala na totoo ang napapabalitang hiwalayan nina Xian Lim at Kim Chiu dahil sa kapansin-pansing kalungkutan umano ng mga mata ng aktres sa kabila ng sunod-sunod na blessings na natatanggap niya.


Bukod pa rito, binura na rin ni Xian Lim sa kanyang YouTube channel ang mga vlog na pinagsamahan nila ni Kim Chiu sa kanilang mga travels.


Nang matanong naman ang aktres hinggil sa estado ng relasyon nila ni Xian Lim, sinabi ng aktres na sa kanila na lamang muna umano ito ngayon.


Nauna nang naiulat na ang totoong dahilan ng iniintrigang hiwalayan nina Kim Chiu at Xian Lim ay ang kawalan ng plano ng aktor na magsettle down na in the future, gayong si Kim Chiu at naghihintay na lamang umano ng proposal mula sa kanyang nobyo sa loob ng 12 years.


Handang-handa na umanong magsettle down ni Kim Chiu dahil nasa tamang gulang na rin siya at stable na rin naman siya financially subalit, hindi man lang umano nakikitaan ng katiting na plano si Xian Lim patungkol sa future nilang dalawa ng aktres.


Ayon pa sa nasabing report, nagsilabasan lamang ang mga isyu ng pagkakaroon ng ibang babae ni Xian Lim matapos nilang maghiwalay ni Kim Chiu kaya naman hindi umano masasabi na third party ang dahilan ng hiwalayan nila.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo