Babaeng Anak Ni Ronaldo Valdez Na Si Melissa Gibbs Nagsalita Na Biglaang Pagkawala ng Ama

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang babaeng anak ni Ronaldo Valdez na si Melissa Gibbs hinggil sa biglaang pagkawala ng kanyang ama.


Hanggang ngayon ay patuloy pa ring iniimbestigahan ng mga kapulisan ang totoong sanhi ng pagpanaw ng batikang aktor sa edad na 76. Lumalabas sa initial investigation na maaring ang dahilan ng kanyang pagkamatay ay ang labis na kalungkutan at depression.


Ayon sa mga report tila nakaramdam ng depression ang batikang aktor matapos sumailalim sa operasyon sa kanyang prostate cancer. Tila hindi na umano nakayanan ng aktor ang labis na kalungkutan matapos maoperahan sa kanyang maselang bahagi ng katawan kaya naman binawi na nito ang kanyang sariling buhay.


Ayon sa Quezon City Police, unang natagpuan ang bangkay ni Ronaldo Valdez sa loob ng kanyang tinitirhan katabi ang isang 45 pistol na sinasabing ginamit nito sa pagkitil sa sariling buhay.


Gayunpaman, may panibagong tinitingnan na anggulo ang mga kapulisan dahil sa mga natagpuang panyo na hawak ng beteranong aktor. May posibilidad umano na aksidenteng nabaril nito ang kanyang sarili habang nililinisan ang kanyang baril.


Ayon naman sa driver ng yumaong aktor, natagpuan na lamang niya ang kanyang amo na nakaupo sa harap ng kanyang kama na wala nang buhay.


Matapos pumutok ang balitang pagpanaw ni Ronaldo Valdez, kaagad namang nagtungo sa pinangyarihan nito si Janno Gibbs, isa sa mga anak ng aktor. 


Sa ngayon ay masusi ring iniimbistegahan ang mga kasama ni Ronaldo Valdez sa kanyang bahay dahil hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi na nito kasama ang kanyang mga anak na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs sa bahay dahil may kanya-kanya na ring pamilya ang mga ito.


Ayon naman sa naging pahayag ni Melissa Gibbs ay nakausap pa diumano niya ang kanyang ama bago ito nawala. Pinayuhan umano siya nito na maging mabuting tao kasama ng kanyang mga anak na apo nito.


Sa ngayon ay wala pang inilalabas na pahayag ang dalawang anak ni Ronaldo Valdez na sina Janno Gibbs at Melissa Gibbs kung magiging public viewing ba ang magiging burol nito para makapunta naman ang ilang mga tagahanga at ilang mga nakatrabaho noon ng batikang aktor.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo