Kim Chiu May Patama Kay Xian Lim Sa Kanyang Vlog

Miyerkules, Disyembre 20, 2023

/ by Lovely


 Noon pa man ay inaabangan na ng mga tagahanga ng actress-host na si Kim Chiu ang kanyang vlog sa taunang designg ng kanyang Christmas tree. Bago pa man magpandemic ay naging kaugalian na ni Kim Chiu ang paggawa ng Christmas na may iba't-ibang design kada taon.


Naging kakaiba naman ngayong taon ang design ng Christmas tree ni Kim Chiu dahil isang upside down Christmas tree ang kanyang ginawa. Very proud naman ang aktres sa kanyang Christmas tree na siya mismo ang nagdesign.


Ayon kay Kim Chiu, gusto niya na maging kakaiba ang concept niya this year kaya naman naisip niyang gumawa ng inverted Christmas tree. Pagdating naman sa design, gusto ni Kim Chiu na kind of sweet, light and vibe lang, kaya naman color white at candy design ang decoration niya ngayong taon.


Masaya naman si Kim Chui sa kinalabasan ng kanyang Christmas tree kahit pa medyo nahirapan umano siya sa pagdedecorate dahil nanibago siya sa design nito.


Matatandaang naibahagi na noon ng aktres na noong bata pa siya ay pangarap na niyang magkaroon ng Christmas tree dahil sa hirap ng buhay noon ay wala silang kakayahan na magkaroon noon. Kaya naman ngayon ay ginawa na niyang tradisyon ang paggawa ng sariling Christmas tree.


Ayon pa sa pahayag ni Kim Chiu na sa kabila ng mga pinagdadaanan niya ngayon sa buhay, nakakatulong umano ang Christmas to remind her na maging masaya.


Napapawi rin umano ang kanyang lungkot sa tuwing nakikita niya ang kanyang Christmas tree. Naging makahulugan rin ang mga binitawang pahayag ni Kim Chui sa kanyang vlog kung saan tila inamin na rin niya na may pinagdadaanan siya ngayon.


Ayon kay Kim Chiu, muntik na niyang hindi gawin ang kanyang kaugalian na gumawa ng Christmas tree ngayon, sinubukan lamang umano niya at naging masaya naman umano siya sa kinalabasan nito.


Dagdag pa ni Kim Chiu, tila napapawi ng kanyang Christmas tree ang kalungkutan nararamdaman niya, napapalitan umano ito ng saya dahil kung titingnan  ang kanyang Christmas tree ay napakatamis.


Ibinahagi pa ni Kim Chiu na ang sinisimbolo ng mga candies sa kanyang Christmas tree ay para sa isang sweet Christmas, something new at something different na Pasko.


Kaya rin daw bilog ang hugis ng ginamit niyang candies dahil sumisimbolo ito ng abundance at happiness.


Samantala may ilang mga netizens naman na nagsasabi na may kaugnayan ang ipinahayag ni Kim Chiu sa kanyang vlog ngayon sa napapabalitang hiwalayan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Napansin rin kasi ng kanyang mga tagahanga na hindi na nabanggit ni Kim Chiu sa kanyang vlog ngayon ang boyfriend. Hindi na niya ito pinasalamatan ngayon hindi katulad ng mga nagdaang vlog niya na sinasama niya ang pangalan ng kanyang boyfriend.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo