Kathryn Bernardo, Kinompirma Na Walang Mangyayaring Comeback Sa Kanila Ni Daniel Padilla

Martes, Disyembre 19, 2023

/ by Lovely


 Binasag na ng award winning actress na si Kathryn Bernardo ang kanyang katahimikan patungkol sa mga kumakalat na bali-balitang nagkabalikan na umano sila ng kanyang ex-boyfriend na si Daniel Padilla dalawang linggo matapos aminin ang kanilang hiwalayan noon November 30, 2023.


Kumalat ang mga haka-haka na umano'y nagkabalikan na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla matapos nilang mamataan na magkasama sa nagdaang ABS-CBN Christmas Special 2023 at noong sabay silang nagtungo sa Asia Artist Award upang tanggapin ang kanilang parangal.


Marami ang nakapansin na panay ang pagdikit ni Daniel Padilla kay Kathryn Bernardo na tila ba ipinapakita nito na maayos pa rin ang kanilang samahan, samantalang kapansin-pansin naman ang pagiging civil ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla.


Marami ang nagsasabi na sinusuyo umano ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo para muling bumalik sa kanya, may mga nagsasabi naman na malapit na ring bumigay ang aktres.


Samantala, sa isang Instagram post, tila tinuldukan na ni Kathryn Bernardo ang mga isyung ito nang ipinagdiinan niyang walang na siyang babalikan at only looking forward na lamang siya ngayon.


Hinala ng mga fans ni Kathryn Bernardo na ito na ang kanyang sagot sa mga nagsasabi na nagkabalikan na sila ni Daniel Padilla. Marami naman ang humanga sa aktres dahil nakakayanan pa rin niyang patunguhan ng maayos si Daniel Padilla sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila.


Sa ngayon ay lalong nalalagay sa hot seat si Daniel Padilla nang inilabas ng isang reliable news site ang pag-amin umano ni Andrea Brillantes kay Kathryn Bernardo na totoong may nangyari sa kanilang dalawa ni Daniel noong 2021.


Mismong si Andrea Brillantes din umano ang nag-reach out kay Kathryn Bernardo upang aminin ang matagal na nilang lihim.


Sa ngayon, marami sa mga fans ni Kathryn Bernardo ang sumusuporta sa kanyang only moving forward plan, marami ang naniniwala na hindi karapat-dapat na balikan si Daniel Padilla dahil matagal na pala itong nagloloko sa kanilang relasyon.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo