Karla Estrada Napahagulgol Sa Iyak Sa Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Nagpasalamat ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada sa kabutihang ibinigay ni Kathryn Bernardo sa kanilang pamilya.


Inamin rin ng celebrity mom na si Karla Estrada na labis siyang nagulat nang aminin nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa kani-kanilang mga Instagram account ang kanilang paghihiwalay.


Live rin umanong pinanood ng pamilya Padilla ang anunsyo ng ABS-CBN sa balitang totoong naghiwalay sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Makikita naman sa isang kumakalat na video ang pag-iyak ni Karla Estrada nang malaman niyang tuluyan nang naghiwalay sina Kathryn Bernardo at anak niyang si Daniel Padilla.


Marami ang nalungkot at may mga napahagulhol pa sa iyak dahil nararamdaman din nila ang sakit sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.


Sa mga naglalabasan ngayong isyu at baho ni Daniel Padilla, marami ang naawa kay Kathryn Bernardo na lumalabas na siyang biktima sa lahat.


Samantala, kumakalat naman ngayon ang ilang mga video clips na kuha mula sa airport kung saan makikita ang aktres na si Kathryn Bernardo na paalis ng bansa.


Tila aalis na muna si Kathryn Bernardo upang makapag-relax at para makapag-move on na rin dahil hindi rin naman isang biro ang tagal ng relasyon nila ni Daniel Padilla.


Bukod pa rito, tila umiiwas din ngayon ang aktres sa mga tanong ng mga netizens patungkol sa kanilang hiwalayan ni Daniel Padilla.


Makikita rin sa video na madaming dalang gamit ang aktres na tila ba pahiwatig na matagal itong mawawala sa bansa. Hindi rin sinabi ng kampo ng aktres kung saang bansa magbabakasyon si Kathryn Bernardo.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon maaring mawala sa loob ng isang taon si Kathryn Bernardo dahil magpapahinga na muna ito.


Kapansin-pansin rin ang pamumugto ng mata ni Kathryn Bernardo habang paalis ito sa bansa na tila ba galing ito sa matinding iyakan.


May mga nagsasabi pa na habang sinusulat ni Kathryn Bernardo ang kanyang mahabang statement sa hiwalayan nila ni Daniel Padilla ay bumubuhos ang mga luha nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo