Vice Ganda Nagsalita Na Sa Hiwalayan Ni Kathryn Bernardo, Daniel Padilla

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Sa kauna-unahang pagkakataon, hayagang nagbigay ng pahayag ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa nangyaring hiwalayan ng KathNiel.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sa KathNiel si Vice Ganda lalong lalo na kay Daniel Padilla.


Sa katunayan, matapos ang pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan ay kaagad na kinamusta ni Vice Ganda si Daniel Padilla at sinabihan ito na malalampasan rin nila ang mga pagsubok na kinakaharap.


Sa isang panayam sa ABS-CBN, ipinahayag ni Vice Ganda na nalulungkot siya sa nangyaring hiwalayan ng dalawa na naging malapit na rin sa kanya.


Hindi naman nagbigay ng anumang reaksyon si Vice Ganda sa napapabalitang pagkakadawit ni Andrea Brillantes sa isyu ng hiwalayan ng KathNiel dahil hindi naman lingid sa lahat na malapit din si Vice Ganda kay Andrea.


Marahil ay hindi na lamang siya nakikialam sa isyu ni Andrea at sa naging dahilan ng hiwalayan ng KathNiel, basta ang alam na ay hanggang ngayon ay malungkot pa rin siya sa hiwalayan nila bilang fan na rin sa tambalang KathNiel.


Ipinagdiinan naman ni Vice Ganda na ang kanyang nararamdaman ngayon ay katulad rin lang sa nararamdaman ngayon ng maraming KathNiel fans.


Iginiit pa ni Vice Ganda na ang hindi normal ay iyong magiging masaya siya kahit alam umano niyang may mga taong nalulungkot na dati namang masaya sa piling ng isa't-isa.


Gayunpaman, ang tanging hiling na lamang ngayon ni Vice Ganda para kina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay peace, healing at joy. Nais umano ni Vice Ganda na makitang masama muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kahit wala na sa piling ng isa't-isa.


Samantala, nagbigay na ng pahayag ang ina ni Andrea Brillantes patungkol sa mga natatanggap na pambabatikos ng kanyang anak. Hiling ng ina ni Andrea na sana ay tigilan na ang pambabatikos sa kanyang anak dahil wala namang mabigat na ebedensya na makakapagpatunay na totoong may kinalaman ito sa hiwalayan ng mga celebrities.


Sa ngayon ay nakakaranas na umano ng depression si Andrea Brillantes dahil sa mga natatanggap nitong pambabatikos mula sa mga netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo