Nanay Ni Andrea Brillantes, Hindi Nakapagtimpi Na Sagutin Ang Isang Basher

Miyerkules, Disyembre 6, 2023

/ by Lovely


 Hindi na nakapagtimpi si Belle Brillantes, ina ng aktres na si Andrea Brillantes, sa mga pambabatikos na natatanggap ngayon ng kanyang anak dahil sa pagkakadawit nito sa hiwalayan ng sikat na tambalan ng KathNiel.


Nakakatanggap ngayon ng kaliwa't-kanang pambabatikos ang aktres na si Andrea Brillantes dahil sa pagkakadawit ng kanyang pangalan sa hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Inaakusahan siya ngayon ng maraming fans ng KathNiel na siya umano ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon ngayon nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Marami ang tumatawag sa kanya ngayon na malanding babae at mahilig umanong magpalit-palit ng mga lalaki.


Nakadagdag pa sa inis ng mga netizens at fans ng KathNiel ang patuloy na pananahimik ni Andrea Brillantes. Hanggang ngayon ay hindi pa inilalabas ng aktres ang kanyang side sa storya at hindi pa rin niya nililinis ang kanyang pangalan.


Dahil dito, iniisip tuloy ng mga netizens na kaya nananahimik si Andrea Brillantes dahil totoo ang lahat ng mga ibinintang sa kanya bilang babae na sumira ng relasyon nina Daniel Padilla at Kathryn.


Samantala, tila hindi na nakapagtimpi ang ina ni Andrea Brillates at naglabas na ito ng pahayag para ipagtanggol ang kanyang anak laban sa mga tao nagsasalita ng masasakit para rito.


Kaagad naman itong umani ng samu't-saring komento mula sa mga netizens at mga fans ng KathNiel, may mga nainis sa panghihimasok nito at hayagang tinanong si Belle kung paano niya pinalaki si Andrea Brillantes.


Kaagad din naman niya ito sinagot kung saan ipinunto niya at ipinagmalaki ang lahat ng nagawa ni Andrea Brillantes sa kanilang pamilya, kabilang na ang pagpapaaral nito sa kanyang mga kapatid at ang pagpapagawa nito sa kanilang balay.


Tinanong din niya ang basher kung ano ang naging ambag nito sa buhay ng kanyang anak para pagsalitaan ito ng mga masasakit na salita kahit pa wala namang ebedensiya na kumabit si Andrea Brillantes kay Daniel Padilla.


Hindi naman tumigil ang ilang mga bashers ni Andrea Brillantes at dinadamay na rin ngayon ang kanyang mga magulang at kapatid. May mga netizens na nagsasabi na kaya masama ang ugali ni Andrea Brillantes dahil masama rin naman umano ang ugali ng ina nito.


Sa kabilang banda, may mga nagtatanggol naman kay Andrea Brillantes at ina nito, ayon naman sa kanila na ang  dapat maglabas ng pahayag ay hindi si Andrea Brillantes kundi si Daniel Padilla.


Dapat umano na si Daniel Padilla ang magbibigay linaw sa kung ano ang totoong dahilan sa hiwalayan nila ni Kathryn at kung sino ang totoong involved.


Ipinunto rin ng iba na wala namang ebedensiyang totoong magkarelasyon sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla tanging mga diehard fans lang naman ang nag-iisip ng hindi maganda.


"Go mommy. I always support and love your daughter Andrea no what happened my ears and eyes don't mind the issues.loveyou"


"Sana po malampasan po ni Andrea lahat ng mga issue about sa kanya at hindi sana totoo ung mga paratang about sa hiwalayan ng kathiel.godblessed always."



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo