Joey De Leon Muling Sinupalpal Si Paolo Contis Sa Eat Bulaga!

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Muling binanatan ng komedyante na si Joey De Leon ang actor host na si Paolo Contis dahil sa kayabangan umano nito sa pagbibigay ng pahayag patungkol sa isyung kinakaharap nila sa Eat Bulaga.


Sa opening pa lamang ng E.A.T tila may pasaring na kaagad si Joey De Leon laban kay Paolo Contis at sa TAPE Inc. na patuloy pa ring ginagamit ang titulong Eat Bulaga sa kanilang show.


Ginamit ni Joey De Leon si Mama Mary sa kanyang pasaring kay Paolo Contis at TAPE Inc sa pahayag na sana maging katulad din ang mga ito kay Mama Mary na naging faithful habang naririto pa sa mundo.


Inihayag pa ni Joey De Leon na nararapat talaga na maging faithful at hindi fakebul.


Samantala, hanggang ngayon ay ginagamit pa rin ng TAPE Inc ang titulo ng Eat Bulaga kahit kinansela na ng IPO ang trademark registration nila sa nasabing pamagat.


Gayunpaman, malapit na umanong magtapos ang paghahari-hari ng TAPE Inc dahil umuusad na rin umano ngayon ang kasong Copyright Infrigement ng TVJ laban sa TAPE Inc.


Narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa naging pahayag ni Joey De Leon kay Paolo Contis.


"Congratulations! I am always having goosebumps hearing the Legit Dabarkads saying, "EAT BULAGA""


"Malaki bayad dun kaya naisigaw nia hnd dapat isigaw 😄 🤣 😂..... EAT BULAGAAAAAAAAAAAAAAA"


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo