Kim Chiu Maglalabas Na Ng Statement Tungkol Kay Xian Lim

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Maraming mga shwowbiz couples ngayon na napapabalitang naghihiwalay na dahil sa samu't-saring mga kadahilanan may mga umamin na sa kanilang paghihiwalay habang ang iba naman ay patuloy pa rin na dinidedma ang mga isyu.


Naunang umamin sina Elijah Canlas at Miles Ocampo sa kanilang paghihiwalay. Sumunod na rin sina Kathryn Bernardo at Kathryn Bernardo.


Kabilang sa mga napapabalitang naghiwalay na celebrity couple ay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, Kim Chiu at Xian Lim, Janine Gutierrez at Paulo Avelino, Mavy Legaspi at Kyline Alcantara.


Samantala, ayon sa aming reliable source, maglalabas na umano ng official statement sina Kim Chiu at Xian Lim kung saan kukumpirmahin na nila ang kanilang paghihiwalay.


Hindi naman malaman ngayon ng mga netizens kung naghihiwalay ngayon ang ilang mga celebrity couple na matagal na ring magkarelasyon.


May mga usap-usapan na kadalasan sa mga dahilan kung bakit naghiwalay ang mga nasabing couples ay dahil sa mga third party at infidelity ng kanilang mga partners.


Sa ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng pahayag sina Kim Chiu at Xian Lim, kapansin-pansin din na pilit na iniiwasan ni Kim Chiu ang mga katanungan patungkol sa estado ng relasyon nila ni Xian Lim.


Maging si Xian Lim ay umiiwas rin sa isyu ng paghihiwalay nila ni Kim Chiu. Samantala, kumakalat naman ang isyu na may ibang babae ngayon ni Xian Lim sa katauhan ni Irish Lee.


Si Irish Lee ay isang non-showbiz girl na nagtatrabaho sa Viva. Kumakalat ang larawan nilang magkasama at tila sweet sa isa't-isa.


Bukod pa rito, naging viral din ang mga hugot ni Kim Chiu sa noontime show na It's Showtime. Maging ang pagbibiro ni Vice Ganda kay Kim Chiu kung saan nagpapahiwatig ng hiwalayan ay nakakabahala na rin.


Gayunpaman, naniniwala ang mga fans nina Kim Chiu at Xian Lim na hindi naman naghiwalay ang dalawa at nagla-lie low lamang sa kanilang relasyon dahil sa kabi-kabila nilang mga shows at projects.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo