Eat Bulaga Ng Gma-7 Magpapaalam Na, Paolo Contis May Pasaring!

Biyernes, Disyembre 8, 2023

/ by Lovely


 Naging makahulugan ang mga binitiwang pahayag ni Paolo Contis sa kamakailang episode ng noontime show na Eat Bulaga.


Ayon kay Paolo Contis, sa loob ng anim na buwan nilang pagiging hosts ng Eat Bulaga, napatunayan umano nilang kaya rin nila itong dalhin at tatangkilikin pa rin ng mga tao.


Matatandaan na kamakailan lamang ay inilabas ng IPO ang kanilang desisyon kung saan ikakansela na nila ang trademark registration na hawak ng mga ito sa Eat Bulaga dahil hindi sila nakapagbigay ng paliwanag sa kung paano nila nabuo ang titulong Eat Bulaga.


Pinaburan naman ng IPO ang iconic trio na TVJ dahil nakapagbigay sila ng konkretong paliwanag sa kung paano nila nabuo at naisip ang titulo ng nasabing show.


Ipinahayag naman ng TAPE na ilalaban pa rin nila ang trademark ng Eat Bulaga subalit kamakailan lamang ay ibinasura naman ng IPO ang apela ng TAPE Inc.


Samantala, napansin ng ilang mga netizens na tila nag-iba na umano ang tono ngayon ni Paolo Contis sa naging pahayag niya sa kanyang closing spiel nitong December 7. Tila nagpapahiwatig na umano ito ng pagsuko at tila namamaalam na rin umano ito.


Ipinahayag din nito na may malaking pagbabago sa kanilang show sa susunod na taon. Hinuha naman ng ilang mga netizens na ang tinutukoy ni Paolo Contis na pagbabago ay may kinalaman sa pamagat ng kanilang show.


Matatandaan na sinabi na ng TVJ na gagamitin nila ang titulong Eat Bulaga sa susunod na taon. Umaasa naman ang TVJ na rerespetuhin na ng TAPE Incorporated ang desisyon ng IPO at hayaan na sila na ang gagamit sa pamagat na sila naman umano ang gumawa.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo