Herlene Budol, Hindi Lamang Kain Ang Gagawin Kakanta Na Rin: 'Kain Tayo'

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Matapos masangkot sa isang kontrobersya sa paglabas ng mga private messages nila ni Rob Gomez, Herlene Budol naghahanda sa isang pasabog ngayong darating na taong 2024.


Nagbigay na ng pahayag si Herlene Budol, ukol sa isyu, ipinagdidiinan niya na wala naman silang ugnayan ni Rob Gomez dahil nagbibiruan lamang sila at nagbabatuhan lamang ng script upang makabisa nila ito kaagad.


Bukod pa rito, pinalaki umano siya ng maayos ng kanyang lolo at lola kaya naman hindi niya magagawa na pumatol sa lalaking may sabit na. Bukod pa rito, isa umano siyang produkto ng broken family kaya naman hindi siya gagawa ng anumang ikasisira ng ibang pamilya.


Ipinadidiinan din ni Herlene Budol sa kanyang pahayag na ng mga netizens lamang ang nag-iisip ng masama sa kanilang usapan patungkol sa pag'kain' at pagka'gutom'.


Matatandaan na iniisip ng ilang mga netizens na ibang kainan at ibang pagkagutom ang ibig sabihin nina Herlene at Rob Gomez sa kanilang palitan ng mensahe.


Ilang araw matapos ang pagkalat ng mga conversation nina Herlene Budol at Rob Gomez, nagbahagi naman ang aktor ng larawan ng mga larawan na kuha mula sa pagpapabinyag nila sa anak nila ni Shaila Rebortera.


Marami ang naghinala na nagkaayos na ang dalawa matapos ibulgar ni Shaila Rebortera sa publiko ang palitan ng mga mensahe sa pagitan ng mga babaeng kalandian ni Rob Gomez.


Dahil dito, marami ang naghintay sa magiging reaksyon ni Herlene Budol ngayong tila naitsapwera siya dahil pinili pa rin ni Rob Gomez ang kanyang pamilya.



Sa kamakailang Instagram post ni Herlene Budol, nagbahagi siya ng mga larawan kung saan makikitang nagvo-voice lesson ang aktres. Ayon sa caption ni Herlene Budol, naghahanda siya para sa ilalabas niyang single sa darating na taon na may pamagat na 'Kain Tayo'.


Tila unbothered nga si Herlene Budol dahil ginawa na lamang niya katatawanan at gagawin pang kanta ang kontrobersiya na kanyang kinasasangkutan.


Nagpasalamat din si Herlene Budol sa mga taong sumusuporta sa kanya, lalong lalo na si Wilbert Tolentino na kahit nag resign na bilang manager niya ay nakaalalay pa rin sa kanya.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo