Ivana Alawi Naka-Tikim Ng Katarayan Ni Marian Rivera, Napaiyak Na Lang

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Talagang hindi malilimutan ng sexy actress na si Ivana Alawi ang kanyang kaarawan ngayong taon dahil nakasama niya sa isang vlog ang kanyang idolo na si Marian Rivera.


Aminado ang actress-vlogger na si Ivana Alawi na noon pa man ay nagagandahan na siya at iniidolo na niya ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.


Hindi inakala ni Ivana Alawi na makakatikim siya sa bagsik ng katarayan ni Marian Rivera sa mismong kaarawan at vlog niya na naging dahilan ng kanyang pag-iyak.


Lingid sa kaalaman ni Ivana Alawi, kinasabwat ng kanyang kapatid na si Mona Alawi si Marian Rivera para i-prank nila ang sexy actress.


Sinadya ni Mona Alawi na mahuli sila sa venue ng kanilang vlog sa pamamagitan ng pagkukunwaring nasira ang kanyang tiyan, naging aligaga naman si Ivana Alawi dahil alam niyang late na siya sa napagkasunduan nilang oras ni Marian Rivera.


Si Mona Alawi ang magtatanong kina Marian Rivera at Ivana Alawi habang kumakain ang dalawa, nung una ay naging magiliw pa ang pagsagot ni Marian Rivera sa mga katanungan ni Mona Alawi.


Sa kalagitnaan ng kanilang mukbang vlog, naitanong ni Mona Alawi kung nais ba ng dalawa na magkasama sila sa iisang trabaho. Agad namang sumagot si Ivana Alawi na kung makakatrabaho niya ang kanyang idolo na si Marian Rivera ay maaga pa siya sa call time darating sa set.


Ito na ang hudyat ng pagpa-prank nina Mona Alawi at Marian Rivera kay Ivana Alawi ng ipaalala ni Mona na late ngayon si Ivana sa oras na napagkasunduan nila ni Marian Rivera.


Nagsimula na ring umarte si Marian na naiirita siya kay Ivana Alawi at pinagsabihan ito na ayaw na ayaw niyang katrabaho ang mga taong palaging nali-late sa mga pinag-usapang oras. Ayaw na ayaw rin umano ni Marian Rivera iyong pinaghihintay siya.


Makikita naman kay Ivana Alawi ang kanyang pagkapahiya dahil sa prangkang pagkasabi ni Marian Rivera sa gitna pa mismo ng kanyang vlog. Sinabi rin kasi ni Marian na ito na ang huling pagkakataon na papayag siyang makasama si Ivana Alawi dahil sa ipinakita umano nitong attitude sa kanya.


Bukod dito, sinabi rin ni Marian Rivera na dismayado siya sa hinandang pagkain ni Ivana Alawi dahil akala niya marami silang makakain dahil mukbang vlog ang kanilang gagawin pero bakit puro crabs lang naman pala ang hinanda nito para sa kanya.


Hindi na napigil ni Ivana Alawi ang kanyang emosyun nang tumayo si Marian at sinabing huwag na lamang nilang ituloy ang vlog at aalis na lamang siya. Sinabi pa ni Marian na nagsayang lamang siya ng oras sa pagpunta kay Ivana Alawi gayung abala siya sa pagpopromote ng pelikula nila ni Dingdong Dantes.


Nang pahagulhol na si Ivana Alawi, tumakbo pabalik si Marian Rivera at sinabing prank lamang ang lahat, ibinulgar din ni Marian na si Mona Alawi ang may pakana ng lahat.


Ayon kay Mona Alawi, nais lamang niyang bigyan ng hindi malilimutang karanasan si Ivana Alawi sa mismong kaarawan nito kasama ang pinaka-iniidolo nitong artista.



Sa huli pinasalamatan naman ni Ivana Alawi ang kanyang idolo na si Marian Rivera dahil pinagbigyan siya nito na makasama sa iisang vlog at nabigyan pa umano siya ng hindi malilimutang karanasan.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo