Gabby Concepcion Dumepensa Sa Pag-Involved Sa Kanya Sa Hiwalayang Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan!

Huwebes, Disyembre 28, 2023

/ by Lovely


 Kaagad na dumipensa ang aktor na si Gabby Concepcion sa mga spekulasyon kung saan dinadawit siya sa napapabalitang hiwalayan nina Sharon Cuneta at Kiko Pangilinan.


Matatandaan na kamakailan lamang ay naging sunod-sunod ang pagbabahagi ni Sharon Cuneta ng mga cryptic post na pinag-ugatan ng isyung may pinagdadaanan ang marriage life nina Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta.


Kasunod nito lumabas namang muli ang mga naging pahayag ni Sharon Cuneta sa mga panayam noon kung saan inamin ng Mega Star na nanghihinayang siya sa naging failed marriage nila ni Gabby Concepcion.


Marami ang naghinala na baka ay nais umanong balikan ni Mega Star Sharon Cuneta si Gabby Concepcion matapos ang matgumpay nilang concert noong nakaraang October.


Dahil sa mga haka-hakang ito ng mga netizens, nagbigay na umano ng pahayag si Gabby Concepcion kung saan pinabulaanan niya ang mga isyung bumabalot sa kanila ni Sharon Cuneta.


Hiling umano ni Gabby Concepcion sa mga netizens na huwag nang idamay pa ang kanyang pangalan sa isyu ng paghihiwalay ng dalawa sakaling totoo man iyon dahil wala umano siyang kinalaman at pakialam roon.


Samantala, tila napatunayan naman ng mga netizens na wala talagang kinalaman si Gabby Concepcion dahil isiniwalat na mismo ni Sharon Cuneta na maayos naman ang pagsasama nila ni Kiko Pangilinan.


Kaagad naman naghinala ang mga netizens na kaya lang naman pala nagpopost ng kung ano-ano si Sharon sa kanyang social media accounts ay dahil may pelikula itong dapat ipromote.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo