Andrea Brillantes Buntis Na Kay Daniel Padilla?

Lunes, Disyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan at viral ngayon sa ilang mga social media platforms ang umano'y secret conversation nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla na ibinulgar naman umano ni Ricci Rivero.


Viral ngayon sa social media ang mga ibinunyag umano ni Ricci Rivero patungkol sa lihim na relasyon noon nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla habang sila pa ng aktres. Kabilang na sa mga ito ay ang sweet messages nila sa isa't-isa kung saan nasabing pa umano ni Daniel na bubuntisin niya si Andrea Brillantes.


Hanggang ngayon ay mainit pa rin na usapin sa social media ang patungkol sa hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla dahil hindi naman ipinahayag ng dalawa ang dahilan ng kanilang hiwalayan.


Nitong November 30, 2023, ginulat nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang mundo ng showbiz nang inamin na nila ang kanilang paghihiwalay matapos ang matagal na nilang romantic relationship.


Kasabay ng pag-amin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa kanilang hiwalayan, nagsilabasan naman ang isyung may third party sa side ni Daniel Padilla sa katauhan ni Andrea Brillantes.


Bukod kay Andrea Brillantes nadawit rin sa isyu ang dating co-star nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang pinagbidahang teleserye na si Gillian Vicencio.


Kaagad namang pinabulaanan ng aktres ang isyu at iginiit na wala siyang kinalaman sa nangyaring hiwalayan ng dalawa.


Dahil dito, binalikan ng mga netizens si Andrea Brillantes at ibinunton ang lahat ng sisi sa young actress.


Sa kabila ng pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andrea Brillantes ay patuloy lamang sa kanyang mga ginagawa at tila hindi pinapansin ang kanyang mga bashers.


Matatandaan na nitong nakaraang Mayo lamang nang kinumpirma nina Ricci Rivero at Andrea Brillantes ang kanilang hiwalayan. Marami rin ang naghinalang third party ang dahilan nito dahil sa pagkakalink naman ni Leren Mae Bautista kay Ricci.


Nakatanggap pa noon ng simpatiya si Andrea Brillantes sa mga netizens dahil sa ginawa ni Ricci Rivero sa kanya sa kabila ng mga ibinigay niya rito.


Subalit, tila nabaliktad ngayon si Andrea Brillantes dahil siya naman ang labis na binabatikos dahil sa pagiging kabit umano niya ni Daniel Padilla.


Sa kabilang banda, maging si Daniel Padilla ay nanahimik na rin matapos aminin ang hiwalayan nila ni Kathryn Bernardo hindi rin ito nagbibigay ng anumang pahayag para linisin ang pangalan ni Andrea Brillantes na nadadamay ngayon sa isyu ng hiwalayan nila ni Kathryn.


Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo