Karylle Ayaw Pa Makaharap Si Dingdong Dantes, Marian Rivera Sa It's Showtime?

Martes, Disyembre 5, 2023

/ by Lovely


 Si Karylle Yuzon naman ang naha-hotseat ngayong araw sa It's Showtime sa kanilang panibagong segment na Expecially For You.


Ang nasabing segment ng It's Showtime ay patungkol sa mag-ex couple na susubukan ng Showtime hosts na pag-aayusin.


Samantala, hindi naman nakaligtas si Karylle sa naging pagbibiro ni Vice Ganda dahil mag-ex ang tema ng kanilang segment.


Biniro ni Vice Ganda si Karylle na kung may ex ba siyang single na nangangailangan ng tulong. Hindi na pinatapos ni Karylle si Vice Ganda at ipinahayag niyang wala dahil masaya na ang lahat ng kanyang mga ex.


Hindi pa rito natapos ang pag-aasar ni Vice Ganda at iba pang Showtime family kay Karylle Yuzon. Ginatungan pa ni Vhong Navarro ang pagbibiro ni Vice Ganda at tinanong kay Karylle kung may celebrity edition ang kanilang segment ay sasali ba siya rito.


Tila na gets naman na ni Karylle ang pagbibiro sa kanya ng It's Showtime Family kaya naman tawang-tawa na niyang sinakyan ito.


"Dahil dyan, please welcome..." pahayag ni Karylle.


Kaagad din namang nagbiro si Vice Ganda patungkol pagpapopromote.


"Subra ka naman, pero maari silang magpromote rito," natatawang pahayag ni Vice Ganda.


Bagama't wala namang binanggit na pangalan si Vice Ganda kaagad naman na gets ng mga madlang pipol na ang kanyang tinutukoy ay walang iba kundi sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.


May pelikula kasi ang mga ito na pino-promote ngayon na produced ng Star Cinema. Hindi rin naman lingid sa kaalaman ng lahat na si Karylle ang unang naging nobya ni Dingdong Dantes bago kay Marian Rivera.


Samantala, hindi na rin naman bago ang pagbibiruan nina Karylle at Vice Ganda patungkol sa kanilang past relationship. Maging ang nakaraan ng iba pang mga host ay napapag-usapan rin nila.


Sa kabilang banda, ipapalabas na sa mga sinehan ang comeback movie nina Marian Rivera at Dingdong na pinamagatang Rewind.


Matatandaan na nauna nang nilinaw noon nina Karylle at Marian Rivera na wala nang tensyon sa pagitan nila. Sa katunayan ay namataan pang nagbeso-beso ang dalawa sa isang event. 


Kaya naman hinuha ng mga netizens na magiging maayos naman sakaling maging guest ng It's Showtime sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo