Abs Cbn at Star Magic Hindi Kinunsinti Si Andrea Brillantes

Lunes, Disyembre 4, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng mga reaksyon at views ang video ng Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na ibinahagi ng ABS-CBN gamit ang kanilang TikTok account.


Makikita sa nasabing video ang blooming beauty ni Andrea Brillantes sa gitna ng pagkakadawit niya sa hiwalayan ng longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.


Lalong nakatanggap ng pambabatikos si Andrea Brillantes mula sa mga fans ng KathNiel nang tuluyang kumpirmahin ni Kathryn Bernardo na tuluyan na silang naghiwalay ni Daniel Padilla matapos ang 11 years nilang relasyon at 12 years bilang loveteam.


Samantala, nanatili namang tahimik ang pamunuan ng ABS-CBN hinggil sa pagkakadawit ng isa pa nilang talent sa isyu ng paghihiwalay nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Tila nirerespeto nila ang desisyon ng bawat panig hinggil sa isyu.


Maging sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ay hindi rin nila hayagang isiniwalat sa publiko ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Dahil dito mas lumakas ang hinala ng mga netizens na totoo ang isyu na si Andrea Brillantes ang dahilan.


Maging si Andrea Brillantes ay nanatiling tikom ang bibig at ni hindi man lang ipinagtanggol ang kanyang sarili sa mga pambabatikos na natanggap. 


Tila unbothered lamang ngayon ang aktres sa mga natatanggap niyang pambabatikos at naniniwalang mawawala rin lang ito kalaunan.


Samantala, patuloy pa rin ang pambabatikos na natatanggap ngayon ni Andrea Brillantes, may mga nagbabanta na rin sa kanyang kaligtasan kung sakaling aminin umano nila ni Daniel Padilla ang kanilang relasyon.


May mga nagtatanggol pa rin naman kay Andrea Brillantes at ipinahayag na hindi naman lahat kasalanan ni Andrea ang hiwalayan ng mag jowa dahil may kasalanan rin naman si Daniel Padilla na siyang hindi nakuntento sa kanyang nobyang si Kathryn Bernardo.



@abscbn Just #AndreaBrillantes serving face ✨ #Kapamilya #FYP ♬ There She Goes - Ben Grosse Mix - Sixpence None The Richer

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo