Vice Ganda Ni-Real Talk Si Cristy 'Fermin' Sa It's Showtime

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Tila nakaganti ang Unkabogable Star na si Vice Ganda sa Veteran Showbiz Columnist na si Cristy Fermin na ilang beses ding pumupuna sa kanya. 


Si Vice Ganda naman ang naka-iskor ngayon kay Cristy Fermin ng pagkatuwaan niya ang isang contestant sa It's Showtime na may pangalang Cristy.


Sa isang segment ng It's Showtime na Mechus-Mechus may isang contestant na nagngangalang Cristy, dahil dito, hindi na nagpapigil pa si Vice Ganda na magpasaring kay Cristy Fermin. Habang kaharap ang Cristy ng contestant nila.


Ayon kay Vice Ganda, "Kumusta ka Cristy? Ano ang pinagkakaabalahan mo bukod sa paggawa ng mga kasinungalingan."


Napahiyaw at nagtawanan naman ang mga madlang pipol sa naging pahayag na pasaring ni Vice Ganda laban kay Cristy Fermin. Maging ang kanyang co-host na si Vhong Navarro ay hindi maipinta ang kanyang reaction.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na isa ang beteranang showbiz columnist na si Cristy Fermin sa mga taong pumupuna kay Vice Ganda.


Sa katunayan, karamihan sa mga topic sa pag-uusap nina Cristy Fermin sa kanyang vlog si Vice Ganda.


Kamakailan lamang, pinuna ni Cristy Fermin ang pakikitungo ni Vice Ganda sa isang audience sa It's Showtime na humingi ng picture rito.


Gayunpaman, kaagad na rumesbak ang mga madlang pipol at ipinunto nila kay Cristy Fermin na nakikipagbiruan lamang si Vice Ganda sa nasabing audience kaya naman hindi na umano ito dapat na siniseryoso.


Sa kabilang banda, wala pang tugon si Cristy Fermin sa hirti na ito ni Vice Ganda laban sa kanya.


Gayunpaman, inaasahan na ngayon ng mga madlang pipol na reresbak si Manay Cristy Fermin sa pasaring ni Vice Ganda laban sa kanya. Sigurado umanong may ilalabas na naman itong puna laban kay Vice Ganda.


Samantala, narito naman ang ilang komento ng mga netizens sa isyung ito.


"lafttip yung cristy sinungaling 🤣🤣🤣"


"ang unfair nmn ng mechoose ... ung iba ngkaron ng chance ... samantlng ung dalawang pair wlaa ng chance😞😞😞pnget nmn ng rules dahil overtime na😣😣😣"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo