Kim Chiu Rumesbak, Dinedma Si Xian Lim

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang isyung naghiwalay na rin ang longtime celebrity couple na sina Kim Chiu at Xian Lim.


Hanggang ngayon ay trending pa rin ang agaw-pansin na swimsuit photos ni Kim Chiu mula sa kanyang beach vacation sa Balesin Island Club.


Sa muling pagkakataon, hindi nakasama ni Kim Chiu sa kanyang well-deserved vacation na ito ang kanyang longtime boyfriend na si Xian Lim. Ang kasama ng aktres sa pagkakataong ito ay ang kanyang mga kamag-anak.


Samantala, hindi naman naiwasan ng ilang mga netizens na hanapin at itanong kay Kim Chiu kung nasaan si Xian Lim na dati niyang kasa-kasama sa pagbabakasyon.


Napansin ng mga netizens na hindi na umano ipinopost ni Kim Chiu sa kanyang social media accounts ang kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Base sa Instagram posts ni Kim Chiu sa kanyang Instagram account ay noong July 30, 2023 pa nang huling nag-flex si Kim Chiu ng mga larawan nila ng kanyang boyfriend na si Xian Lim.


Ibinahagi noon ni Kim Chiu sa kanyang social media accounts ang naging moment nila ng kanyang boyfriend sa bakasyon nila sa Hongkong.


Makikita pang panay ang kulitan nilang dalawa at napaka-sweet pa nila sa isa't-isa noon. July 16 naman nang naunang ibahagi ni Kim Chiu ang masayang pagbabakasyon nila sa Hongkong.


Makikita pa na nagkomento noon si Xian Lim sa post ni Kim Chiu, na katulad lamang ang moment na ito noong unang linggo ng panliligaw niya sa aktres.


"Hala.. parang first week nung nililigawan pa kita"


Subalit, tila nag-iba na umano ang ihip ng hangin ngayon dahil napansin ng mga netizens na tila wala nang pakialamanan ngayon sina Kim Chiu at Xian Lim sa isa't-isa.


Marami rin ang nakapansin na hindi man lang kino-gratulate ni Xian Lim si Kim Chiu sa matagumpay nitong digital series na Linlang.


Sa kabila nito, marami pa rin sa mga fans nina Kim Chiu at Xian Lim ang naniniwalang maayos pa rin ang relasyon ng dalawa at nagla-lay low lamang ang mga ito dahil sa kani-kanilang mga projects.


Marami rin sa mga fans ng aktres ang nagsasabing huwag nang bigyan pa ng malisya ang mag-isang pagbabakasyon ni Kim Chiu kasama ng kanyang pamilya.


Sa kabilang banda, muling magtatambal sina Kim Chiu at Paulo Avelino na unang nagkatambal sa hit digital series na Linlang.


Sa pagkakataong ito, pagbibidahan nina Kim Chiu at Paulo Avelino ang Philippine Adaptation ng hit South Korean rom-com na What's Wrong With Secretary Kim?


Ang adaptation na ito ay collaboration ng VIU Philippines at ng ABS-CBN na ipo-produce naman ng Dreamscape Entertainment.


Samantala, napansin ngayon ng ilang mga netizens ang pag-iwas ni Kim Chiu sa mga katanungan ng mga netizens patungkol sa kanila ni Xian Lim. Hindi katulad noon na palaging nagbibigay ng update si Kim Chiu at palaging sinasagot ang katanungan kanilang fans patungkol sa relasyon nila ni Xian.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo