Ginawa Ng Mga Kaibigan Ni Kathryn Bernardo Kay Daniel Padilla, Andrea Brillantes

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Nagbigay na ng pahayag ang Box Office Director na si Cathy Garcia hinggil sa kumakalat na balitang in-unfollow niya sa Instagram ang Kapamilya actor na si Daniel Padilla, sa gitna ng isyung naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Kamakailan lamang, napansin ng ilang mga netizens na hindi naka-follow sa official Instagram account ni Daniel Padilla si Cathy Garcia, kinunan ito ng screenshot at ipinakalat naman sa iba'-ibang social media platforms.


Makikita rin sa mga nasabing screenshot na naka-follow naman si Direk Cathy Garcia kay Kathryn Bernardo. Samantala, makikita namang naka-follow si Daniel Padilla kay Cathy Garcia.


Dahil dito, nagkaroon ng iba't ibang espekulasyon ang ilang mga netizens hinggil sa umano'y pag-unfollow ni Direk Cathy kay Daniel Padilla gayung hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malapit sila sa isa't-isa.


Si Direk Cathy Garcia ang direktor ng limang pelikula na pinagbidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla kaya naman napalapit na rin sila sa isa't-isa. Sa katunayan, invited pa noon sina Kathryn at Daniel sa kasal ni Cathy Garcia.


Si Direk Cathy Garcia rin ang director ng tatlong teleserye ng KathNiel ang Got 2 Believe, Pangako Sa'yo at La Luna Sanggre. Siya rin ang direktor ng dalawang box-office film na The How's of Us at She's Dating The Gangster.


Samantala, sa isang Instagram post ni Direk Cathy Garcia nitong myerkules, tuluyan na niyang binasag ang kanyang katahimikan patungkol sa umano'y pag-unfollow niya kay Daniel Padilla.


Ibinahagi ng direktor ang mga screenshots na kumakalat kung saan makikitang hindi niya pina-follow si Daniel Padilla.


Ayon kay Cathy Garcia, talagang walang makikitang Daniel Padilla sa kanyang following list dahil noon pa man ay hindi na umano niya pina-follow ang aktor.


Hiniling din niya sa mga netizens na huwag na siyang idamay pa sa isyu ng KathNiel dahil wala umano siyang alam sa pinagdadaanan ngayon ng dalawa.


"Mga bakla huwag niyo na po ako idamay dito. Wala talaga kayong makikitang supremo dj sa followed ko kasi hindi ko naman siya fina-follow noon pa. Di ko alam totoong account niya kasi. 20 nga lang fina follow ko e. Noon pa. Kaya Huwag na po nating gawing issue.

Wala nga akong alam inangkupo."


Matatandaan na noong November 8, lalong lumakas ang isyung naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo nang isiwalat ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang mga vlog ang isyung ito.


Dawit sa hiwalayan ng dalawa ang pangalan ng isa pang Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na nili-link kay Daniel Padilla at palihim na nagkikita ang dalawa.


Gayunpaman, nilinaw ni Ogie Diaz na hindi pa naman kumpirmado ang tsismis na ito at hindi umano nanggaling sa kanya ang balita.


Inalamahan naman ito ng mga KathNiel at tinawag na fake news peddler si Ogie Diaz dahil sa pagpapakalat niya sa hiwalayan ng dalawa gayung hindi pa naman ito kumpirmado.


November 10, tila pinabulaanan ni Daniel Padilla ang isyu nang ibahagi niya sa kanyang Instagram story ang video ni Kathryn habang naghahanda sa isang photoshoot sa Preview.


Sa mga sumunod na araw, makikitang nagkasamang muli sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa isang event. Inirepost pa mismo ng aktres ang mga larawan nilang magkasama.


Sa kabilang banda, napansin rin ng mga netizens na in-unfollow na ngayon ng ilang mga celebrities na malapit kay Kathryn Bernardo sina Andrea Brillantes at Daniel Padilla. Kabilang sa mga ito sina Chie Felomino, Robi Domingo.


Makikita ring in-unfollow nina Miles Ocampo at Loisa Andalio sa kanilang Instagram account si Andrea Brillantes.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo