Vice Ganda at Billy Crawford, Nagkaayos Na Billy Magiging Regular Sa It'S Showtime

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Sa pagiging special guest nina Billy Crawford at Coleen Garcia sa isang episode ng It's Showtime, usap-usapan ngayon ng ilang mga netizens kung tuluyan na nga ba silang magbabalik bilang regular hosts ng show.


Nagulat ang mga madlang pipol at maging ang iba pang hosts ng It's Showtime nang muling masilayan sa show ang dating regular hosts na sina Coleen Garcia at Billy Crawford.


Bigla na lamang lumabas ang mag-asawa sa Magpasikat performance ng grupo nina Vice Ganda, Jackie at Cianne nitong November 9, 2023.


Kasama ng kanilang anak na si Amari, sinurpresa ng mag-asawang Coleen Garcia at Billy Crawford ang It's Showtime.


Makikita naman sa mukha ng mga kasamahan nila dati sa nasabing show ang pagkagulat na kaagad namang napalitan ng kasiyahan.


Hindi rin napigilan ng ilang mga madlang pipol at ilang mga host ang maging emosyunal dahil sa pagbabalik ng dalawa at ang pagkakaayos nina Billy Crawford at Vice Ganda na matagal nang mayroong hindi pagkakaunawaan.


Ilang taon ding hindi nagkakausap sina Vice Ganda at Billy Crawford matapos itong umalis sa show at pumasok sa katapat nilang noontime show na Lunch Out Loud na kalaunan ay naging Tropang LOL.


Ayon kay Vice Ganda, nagkaayos na umano sila ni Billy Crawford at muli nang nagkakausap.


“Lingid po sa kaalaman ninyo, okay na okay na kami ni Billy. Billy’s presence here today and the madlang pipol knowing that we’re okay, baka mag-inspire ito sa inyo na mag-heal din. Baka it’s about time.


“Baka kaya niyo rin na makipag-reconcile lalo na doon sa mga taong mahalaga sa inyo,” pahayag ni Vice Ganda.


Ipinahayag din ni Vice Ganda sa lahat ng mga madlang pipol kung gaano kahalaga sa kanya si Billy Crawford.


“At the end of the day, you are my bestfriend, and I love you very much. Kaya sabi ko, realo natin ito sa madlang pipol na makita tayong magkakasama ulit.”


Lalo namang naging emosyunal ang lahat nang magsalita na si Billy Crawford.


Malaki ang pasasalamat niya kay Vice Ganda sa pagkakataon na ibinigay sa kanila ni Coleen para makabalik sa dati nilang tahanan.


Inihayag pa ni Billy Crawford kung paano nakatulong ang kanyang ama para magkaayos sila ni Vice Ganda.


“Thank you, Vice. Happy anniversary, first to all of us. Marami akong realization these past months. Kababalik ko lang galing States, kakakita ko lang sa daddy ko.”


“Hindi ko kasi alam kung hanggang kailan ang daddy ko sa mundong ito. Pero ang bilin niya sa akin ay mag-ayos tayo.”


Hindi man umano niya lubos na naintindihan ng kanyang ama ang isyu sa pagitan nila ni Vice Ganda dahil isa itong American pero tila naramdaman umano nito na may hindi pagkakaunawaan sila ni Vice Ganda.


Marami naman ang humanga sa pagpapakumbaba ni Billy Crawford at sa kanyang paghingi ng tawad sa national tv.


“Lahat ng pamilya nagkakaaway, nagkakalabuan, but at hte end of the day, in God’s time,siya na rin ang bahalang mag-ayos. Kaya on my end, I want to say I’m sorry.”


“I’m sorry madlang pipol. I’m sorry , Kapamilya. Magpapakumbaba na po ako. Gagawin ko kasi ang lahat para sa aking pamilya.”


Sa pagkakaayos nina Vice Ganda at Billy Crawford hinihiling ng ilang mga madlang pipol na kunin muli sina Billy at Coleen na maging regular host nang show.


Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang pamunuan ng It's Showtime at maging sina Billy Crawford hinggil sa kahilingan ng mga netizens.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo