Its Showtime Host Spotted Sa GMA Compound

Martes, Nobyembre 14, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa social media ang mga larawan at video ng mga It's Showtime host na nagso-shoot para sa upcoming ABS-CBN Christmas Station ID sa Kamuning, Quezon City.


Hindi naman naging malinaw kung saan nagsho-shooting ang mga ito sa ABS-CBN ba o di kaya ay sa GMA compoud.


Subalit, ayon sa ilang mga netizens, maaring nagshoot din ang It's Showtime sa GMA compound dahil tahanan na rin naman ng nasabing show ang GMA.


Matatandaan na lumipat sa GTV, isang subsidiary channel ng GMA7, ang It's Showtime matapos hindi ni-renew ng TV5 ang kanilang kontrata.


Kaya naman hindi umano malabo na i-soshoot sa GMA compound ang ilang eksena sa upcoming Christmas Station ID ng ABS-CBN.


Sa kabilang banda trending din sa social media ang larawan ng paghaharap nina Vice Ganda, Dingdong Dantes at Marian Rivera na ayon sa ilang mga source na ang larawang ito ay kuha mula sa building ng ABS-CBN.


Kasunod nito, nagtrending din sa Twitter ang trailer ng comeback movie nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na pinamagatang Rewind mula sa Star Cinema.


Panibagong collaboration project na naman ito sa pagitan ng ABS-CBN at GMA. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na ang DongYan ang isa sa mga A-listers sa GMA network.


Opisyal naman na kalahok ang nasabing comeback movie ng DongYan sa Metro Manila Film Festival ngayong taon.


Excited naman ang mga Kapamilya at Kapuso na mapanood ang kauna-unahang pelikula ng mag-asawa sa ilalim ng Star Cinema.


Although individually hindi na bago sa kanila na mapabilang sa isang Star Cinema movie.


Matatandaan na bumida na noon si Marian Rivera sa Kung Fu Divas kung saan nakasama niya ang comedy queen na si AiAia Delas Alas noong 2013. Napabilang din siya sa Extra ni Vilma Santos sa kaparehong taon.


Samantala, mas marami naman ang nagawang pelikula ni Dingdong Dantes sa ilalim ng Star Cinema gaya ng Segunda Mano, One More Try, She's The One, The Unmarried Wife at Seven Sundays noong 2017.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo