Paye at Papi, Emosyonal Na Ibinahagi Ang Kanilang Karanasan

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Umani ng samu't-saring reaksyon ang naging panayam nina Paye at Papi na kilala ring Galang Sisters sa YouTube vlog ng aktres-host, vlogger  na si Toni Gonzaga na Toni Talks.


Sa halos kalahating oras na pakikipag-usap ni Toni Gonzaga sa magkapatid, hindi napigilan ng ilang mga netizens ang kani-kanilang mga emosyun ng ibahagi ng dalawa ang kani-kanilang mga karanasan sa kamay ng kanilang sariling mga magulang.


Ibinahagi ng dalawa na sa mga panahong iyon ang kanilang mga magulang ay lulong sa masamang bisyo at sa ipinagbabawal na gamot.


Ito umano ang dahilan kaya nagtrabaho na noon si Papi sa edad na trese lamang sa hindi mabuting paraan.


Ang mas nakakalungkot rito ay ang kanyang sariling ina ang nagtutulak sa kanya para gawin ang hindi magandang bagay na ito.


Ayon sa pagbabahagi ni Papi, ang kanyang ina mismo ang nagbubugaw sa kanya sa iba't-ibang mga lalaki, na ayon pa sa kanya ay mga old men.


Ito umano ang ginawa nila para magkaroon ng pantustos sa kanilang araw-araw na pangangailangan. Hindi naman umano makaka-hindi si Papi sa kanyang ina dahil kung susuwayin niya ang kanyang ina ay magugutom sila dahil ang kanilang ama ay nakakulong noon.


Naging kalbaryo ang pinagdaanan nila sa kamay ng kanilang ina noon na lulong rin sa masamang bisyo.


Kwento pa ni Papi, na dumating sila sa punto ng kanilang buhay na tumakas sila sa puder ng kanilang ina dahil pinagbabantaan sila noon ng kanilang ina na sasaktan sa tuwing lulong ito sa ipinagbabawal na gamot.


Nang naging ganap nang ina si Papi, doon na umano niya naintindihan ang sitwasyon ng kanyang ina. Dahil dito, nakahanap na siya ng puwang sa kanyang puso na tuluyan nang patawarin ito.


Sa kabilang banda, ipinahayag naman ni Paye na hindi pa niya nahahanap sa kanyang sarili ang patawarin ang kanyang ina kahit pa sumakabilang buhay na ito.


Ibinahagi din ni Paye na mula nang umalis sa kanilang bahay ang kanyang ate na si Papi sa kanya na ibinunton ng kanilang ina ang dating ipinapagawa kay Papi.


Matinding pagdurusa din umano ang naranasan ni Paye sa ginawa ng kanyang ina. Binigyan pa umano siya nito ng pangalang si Paye na Lucy Pearl na naging dahilan ng pagkakabully ni Paye.


“Sobrang masalimuot po talaga. Naka drugs na po siya. So sa akin na po lahat nababaling yung atensyon niya. Lagi niya na po akong nabubugbog. Sa kanya ko rin po naranasan na mabully. Siya po unang nangbully sa akin kasi sa pangalan ko po.”


Dagdag pang pagbabahagi ni Paye, “Kaya ko pinangalan sayo yan kasi bagay sa ugali mo, demoyo ka.”


Labis naman itong ikinagulat ni Toni Gonzaga at maging ng mga manonood.


"Grabe ang bigat naman ng dinadala niya. 😢 I am lucky to have a parents who sacrificed what’s best for me and gave the greatest and unconditional love. Love you mama and papa. 💚 Sending virtual hugs for you Papi and to your sister."


"One of the best episodes sa toni talk…Grabe ang pinagdaanan nilang dalawa kung minsan iniisip ko malaki ang problma ko pro nung napanood ko to parang napahiya ako sa sarili ko."


"Naiyak ako sa storya ng buhay ni Papi, sana maging grateful si Lucy Pearl sa lahat ng sacrifices ng ate nya. Nakakatuwa na lumalaki si Happy na mabait na bata at maganda ang buhay, mdaming nagmamahal. Malayo sa pinagdaanan ng nanay nya."


"Grabe iyak ko dito. Pero nakaka-inspire ka talaga Papi, kami ng mama ko , complicated, 2013 namatay s’ya at hanggang ngayon nahihirapan akong patawarin s’ya.  Pero hoping ako na mapatawad ko s’ya."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo