‘Here Lies Love’ Ni Lea Salonga, Magtatapos Na Dahil Sa Mababang Kita

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Naging matunog ang show na Here Lies Love ni Lea Salonga, ilang buwan na ang nakakalip[as dahil sa naging isyu noon sa pagitan ni Lea Salonga at tatlong mga fans na bigla na lamang umanong nagtresspas sa kanyang dressing room.


Matapos ang ilang buwan naging usap-usapan ang umano'y maagang pagtatapos nito.


Nakatakdang magwakas sa Nobyembre 26 ang Broadway musical na ‘Here Lies Love,’ na tungkol sa buhay ni dating First Lady Imelda Marcos dahil sa mababang bentahan ng ticket.


Ayon sa ulat, nalulugi na ang palabas dahil kailangan nilang magbayad ng production cost na $700,000 kada linggo, habang ang benta ng ticket ay umaabot lamang sa $500,000 hanggang $620,000 kada linggo.


“But the reality is, succeeding on Broadway means not only producing excellent work with artistic merit, it also means creating the audience for it. And how much time it takes to find and grow new audiences is out of sync with the tight timeframes for audience-building and awareness,” pahayag ng mga producers.


Gayunpaman, ipinagmamalaki nila na dinala nila ang unang all-Filipino acting company sa Broadway, na nakatanggap ng ‘critical acclaim.’


Sa ngayon ay hindi pa naglalabas ng pahayag si Lea Salonga hinggil sa pagtatapos ng kanyang show.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo