Janica Nam Isinama Ang Bagong Boyfriend Sa Puntod Ni Hashtag Franco

Lunes, Nobyembre 13, 2023

/ by Lovely


 Umaani ngayon ng samu't-saring komento mula sa mga netizens ang ibinahaging larawan ng dating kasintahan ng namayapang Hashtag member na si Franco.


Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Janica Nam na makalipas ang ilang taon at sa kabila ng pagkakaroon niya ng panibagong nobyo at minamahal ay hindi pa rin niya nalilimutan ang namayapang boyfriend na si Franco.


Binisita ni Janica Nam ang puntod ng kaniyang boyfriend noon batay sa kaniyang post noong Sabado, Nobyembre 11 kasama ang bago nitong boyfriend na si Lorenz.


Magkasama sina Janica Nam at bagong boyfriend nito na nag-alay ng bulaklak at panalangin sa puntod ng yumaong celebrity at ibinahagi ito sa Instagram na may caption na “6th year in heaven”.


Noong Nobyembre 11, 2017, namatay si Franco Hernandez dahil sa pagkalunod sa North Lamidan, Don Marcelino, Davao Occidental, Pilipinas sa edad na 26.


Ayon sa pinakahuling panayam sa kanyang kasintahan, nakasakay sila sa isang de-motor na bangka nang mapilitan silang tumalon nang hampasin sila ng malakas na alon pabalik sa baybayin ng North Lamidan, Don Marcelino. Sinabi rin niya na sa baybayin, mayroon pa ring pulso si Franco, subalit wala na itong malay. 


Agad naman itong dinala sa isang klinika kung saan idineklara itong dead on arrival.


Sa kabilang banda, marami naman sa mga tagahanga ng namayapang singer ang nasiyahan sa ginawang ito ni Janice Nam sa kabila ng pagkakaroon nito ng panibagong minamahal.


"ang genuine ng pagmamahal mo kay hashtag franco ate janica, hanggang ngayon kahit may bf kana di ka parin nakakalimot, and ofcourse sa boyfriend mo now kasi support siya, hindi siya nagseselos"


"You are very lucky to have a partner who's very supportive.."


"6years ago a agad parang kailan lang napakabilis ng panahon at oras..Forever niya.."


"I am so amaze with you Ate @janicanam hanggang ngayon even may partner kana still you have time na ma visit si Franco"


"You are a thousand and one among humans who have a noble heart and are loyal and full of love"



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo