Dalawang Anak Nina Coco Martin, Julia Montes Pinangalanan Ni Cristy Fermin

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


 Kinumpirma ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ang isyung may anak na ang Kapamilya actress na si Julia Montes at ang ama ay ang Kapamilya actor-director na si Coco Martin.


Usap-usapan ngayon sa social media ang mga isiniwalat ng veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin sa kanyang programa kung saan kinumpirma niya at pinangalanan ang umano'y dalawang anak nina Julia Montes at Coco Martin.


Naging usap-usapan ang totoong relasyon nina Julia Montes at Coco Martin nang lantaran na nilang ibinahagi ang kanilang mga larawan na magkasama sa social media.


Ibinahagi ng rumored couple ang kanilang mga sweet photos na magkasama sa kanilang pagbabakasyon sa Switzerland.


Samantala, muling napansin ng mapagmatyag na mga netizens ang madalas na pagtakip ni Julia Montes sa kanyang tiyan gamit ang jacket o ang kanyang bag.


Kaya naman, muling naghinala ang mga ito na nagdadalang tao ang aktres.


Sa kabilang banda, naging laman ng talakayan nina Manay Cristy Fermin, Romel Chika at Wendell Alvarez sina Julia Montes at Coco Martin.


Ipinahayag ng tatlo ang kanilang kasiyahan sa pagiging bukas nina Coco Martin at Julia Montes sa kanilang relasyon sa publiko.


Ipinahayag din nila ang kanilang kasiyahan kung sakaling muling nagbubuntis si Julia Montes. Isiniwalat pa ni Manay Cristy Fermin na ikatlong anak na ito ng dalawa kung sakali mang nakabuo na muli ang mga ito.


Pagbubunyag ni Cristy Fermin, "Totoo po na meron na silang anak. Apat na taong gulang na po ang batang babae na panganay nila.


"Bakit ko po sinabing panganay? May kasunod na po ang bata, nagdadalawang taon naman po at lalaki."


Bukod dito, ipinahayag din ni Cristy Fermin ang mga pangalan ng mga anak nina Julia Montes at Coco Martin.


"Ang pangalan ng panganay nila ay Matilda. Ang bata pong ito, ang pangalan ay isinunod sa nagpalaking lola kay Coco at kamakailan lang po ay bininyagan naman ang batang lalaki.


"Siguro po, naramdaman niyo rin po yun nung may nagpost sa party na meron pong cake sa likod na may nakasulat na Popoy. Yun po ang ikalawang anak nina Coco at Julia, si Popoy.


"Kaya dalawa po ang kanilang anak, isang babae, isang lalaki."


Samantala, inilarawan din ni Cristy Fermin ang hitsura ng dalawang bata. Ang bunso umano ay kuhang-kuha ang mga mata ni Coco Martin samantalang kamukhang-kamukha naman umano ni Julia ang panganay na babae.


Sa kabila nito, ipinahayag naman ni Cristy Fermin na naiintindihan umano niya sina Coco Martin at Julia Montes kung bakit iniiwas nilang mapag-usapan sa showbiz ang kanilang mga anak bilang magulang.


"Kung hindi man po magsalita si Coco Martin at Julia sa pagkakataong ito, naiintindihan pa rin po natin. Ang gusto lamang po nila ay tahimik na buhay at pribadong buhay."


Samantala, narito naman ang ilang mga komento ng mga netizens hinggil sa isiniwalat ni Cristy Fermin patungkol kina Coco Martin at Julia Montes.


"As a cocojul fan since day 1, basta in love parin ang cocojul masaya na ako. Ang mga anak at kasal ay bonus na para sa aming mga fans. At tama po kayo, hindi nakakasira ng career ng cocojul ang balitang may anak sila kasi pareho silang mabait. Bilang mga artista sila, si julia walang negative issue. Si coco may issue here and there, pero yung core values ni coco intact."


"I love your comments about coco and julia...sila lang ang nakilala kong loveteam na tahimik at masaya ang lovelife... Mabait talaga si coco at julia kaya di impossible na maraming nagmamahal sa pagmmahalan nila."


"Coco Martin and Julia Montes are not obligated to tell everything in their lives. Yes we idolize them but let's give them even a little piece of privacy."




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo