Ricci Rivero Viral Dahil Sa Reaksyon Ng Hiwalayan Kathniel Bernardo at Daniel Padilla

Huwebes, Nobyembre 23, 2023

/ by Lovely


Hanggang ngayon ay hindi pa rin natatahimik ang ingay patungkol sa isyung naghiwalay na ang longtime celebrity couple na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


Sa patuloy na pag-ingay sa isyung hiwalayan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla may panibagong pangalan na pinang-uusapan ngayon ng mga netizens ang pangalan ni Ricci Rivero.


Binalikan ng ilang mga netizens ang naging bwelta ni Ricci Rivero sa tweet ng bestfriend ni Andrea Brillantes na si Bea Borres.


Kung saan nabanggit ni Ricci Rivero ang pahayag na 'time is the ultimate truth teller.


Pahayag noon ni Ricci Rivero, "Di ba dinadamay nila yung isa na walang kasalanan? Dahil ngayon nagsasalita na ako pumapatol na? Antayin natin yung time is the ultimate truth teller ng magkaalaman sino talaga, isama kita sa washing machine eh”


Dahil sa pagkakaugnay ngayon ng pangalan ni Andrea     Brillantes sa hiwalayang Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, hinala ng mga netizens na ito na ang sinasabi ni Ricci Rivero sa kanyang tweet patungkol sa 'time is the ultimate truth teller'.


Matatandaan na si Andrea Brillantes ang itinuturong third party sa hiwalayan ng KathNiel dahil sa palihim umano na pagkikita ng dalawa.


Samantala, sa naunang bwelta noon ni Ricci Rivero sa kaibigan ni Andrea Brillantes, nabanggit niya ang tungkol sa totoong nangangabit.


Noong una, inakala ng marami na bwelta ni Ricci ang kanyang tweet kay Bea Borres, kung saan si Bea ang pinagsasabihan ni Ricci Rivero na nangangabit, subalit, ngayon napagtanto ng mga netizens na tila para kay Andrea Brillantes ang naging pahayag ni Ricci Rivero.


“puro tweet Bea gusto mo maglabasan tayo ng labada? Tara sabihan tayo kung sino talaga kumakabit? Hingi  ka lifeline para may bala ka bago ka magreply publicly for your publicity. Sayang pakikialam mo kung di ka kasama sa headline.”


Hinala ng mga netizens na noon pa man ay may alam na si Ricci Rivero sa umano'y palihim na pagkikita nina Andrea Brillantes at Daniel Padilla kaya naman ganun na lamang ang tapang nito sa pagpapahayag patungkol sa totoong kabit.


Maging ang veteran showbiz columnist na si Manay Cristy Fermin ay naniniwala ring noon pa man ay may alam na si Ricci Rivero at umano'y nanahimik lamang ito sa una para hindi na mapag-usapan pa.


Subalit, nang ma-provoke na umano ito dahil sa natatanggap na pambabatikos mula sa kampo ni Andrea Brillantes, subalit nang maprovoke na umano ito ay doon na bumwelta. Hindi lamang nito idinetalye ang isyu ng pangangabit.


“Para bang ang laman n’on e sino ang nauna sa kanilang dalawa… Reading between the lines para bang ang ibig sabihin ng basketbolista e ‘Ano? Magkakasama kayo hindi n’yo alam? Sino ba ang nauna sa aming dalawa?’ Parang ganoon. ‘Yun ang naglalaro sa utak niya,” saad ni Cristy Fermin.


Sa kabilang banda, tila nilinaw na ni Daniel Padilla ang isyu sa pagitan nila ni Kathryn Bernardo kung saan ipinahayag niyang walang dapat ipag-alala ang kanilang mga fans dahil ginagawa niya ang lahat para hindi sila tuluyan na masira ni Kathryn Bernardo.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo