Bwelta Ni Kyline Alcantara Sa Mga Magulang Ni Mavy Legaspi Viral

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


 Matapos magbahagi ng mensahe para sa kanyang mga anak si Carmina Villaroel, naglabas naman ng panibagong cryptic post ang aktres na si Kyline Alcantara na hinala ng kanyang mga tagahanga na sagot naman niya sa ina ni Mavy Legaspi.


Marami sa mga netizens ang napapatanong kung bumwelta na nga ba si Kyline Alcantara sa naging post nina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi kung saan tila pinagtatanggol nito ang kanilang anak na si Mavy na pinaghihinalaang nagloloko sa relasyon nila ni Kyline Alcantara.


Matatandaan na nagbahagi ng isang cryptic post si Kyline Alcantara sa kanyang social media account kung saan ibinahagi niya ang isang TikTok video.


Makikita sa video na ibinahagi ni Kyline Alcantara ang tila double date nina Cassy Legaspi at Michael, Mavy Legaspi at Dasuri Choi.


Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na mayroong romantic relationship sina Mavy Legaspi at Kyline Alcantara. Kaya naman mahihinuhang nagseselos itong si Kyline Alcantara sa tila pakikipagdate ni Mavy Legaspi kay Dasuri Choi.


Tila ipinagtanggol naman ni Carmina Villaroel ang kanyang mga anak.  Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Carmina Villaroel ang isang qoute 'mom knows best'. Kalakip nito ang mensahe para sa kanyang mga anak.


“People can destroy your image, damage your personality, create rumours about you but they can never take away your good deeds. Because no matter how they describe you, you will always be admired by those who know you best.”


Samantala naging usap-usapan naman ngayon sa ilang mga social media platforms ang panibagong cryptic post ni Kyline Alcantara, marami ang nagsasabi na ito na ang sagot ng aktres sa mga magulang ni Mavy Legaspi.


"I was thought that keeping quiet kept the peace. Until I realized, who's peace is it keeping."


Matatandaan na maging si Zoren Legaspi ay nagbahagi rin ng mensahe para sa kanyang anak kung saan pinasalamatan nito ang mga tunay na kaibigan na nagmamahal sa mga ito. May mga nagsasabi na patama ito ni Zoren kay Kyline Alcantara na nagbuking sa kalokohn ng kanyang anak.


"Keep smiling guys @cassy @mavylegaspi its good to have GENUINE FRIENDS ingat kayo... say thank you kay Win for the dinner."


Nagkomento naman sa nasabing post si Carmina Villaroel kung saan pinasalamatan din nito ang mga taong nagmamahal sa kanyang mga anak.


"Maraming salamat sa mga tunay na nagmamahal sa mga anak namin. Mahal din namin kayo @cassy @mavylegaspi enjoy lang kayo! Love you guys! Family is love."


Nakakatanggap naman ngayon ng pambabatikos sina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel dahil sa pangungunsinti nila sa kamalian ng kanilang mga anak.


Gayunpaman, marami pa rin sa mga tagahanga ng Legaspi family ang nagtatanggol sa mga ito kung saan ipinakita nila ang kanilang paghanga sa pagmamahalan nilang magkakapamilya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo