ABS-CBN Network Bubuwagin Na Ang Tambalang KathNiel

Miyerkules, Nobyembre 29, 2023

/ by Lovely


Usap-usapan ngayon sa social media ang isyung hindi lamang ang romantic relationship nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla ang nagtapos kundi maging ang kanilang loveteam.


May mga naglabasang isyu na maging ang kanilang pagiging on-screen partner o pagiging magkaloveteam ay maari na rin umanong mabuwag.


Ayon sa mga nakarating na balita sa veteran showbiz columnist na si Cristy Fermin, hindi na umano ire-renew ng Star Magic at ng ABS-CBN ang KathNiel.


Sa kabila ng pagsisiwalat na ito ni Cristy Fermin, nilinaw naman niya na hindi pa naman kumpirmado ang balitang ito.


"Hindi natin alam kung gaano, kung isang daan bang porsyento totoo ito o puro kwento lamang. Wala pa tayong resibo rito, inaamin po namin. Ang kwento, hindi na sila ire-renew ng Star Magic ng ABS-CBN," pahayag ni Cristy Fermin sa latest episode ng Showbiz Now Na.


Hindi rin umano alam ni Manay Cristy Fermin kung ano ang dahilan ng ABS-CBN para hindi na i-renew ang kontrata ng KathNiel.


Ayon sa mga nasagap na mga chika ni Cristy Fermin, nakikipag-usap na umano ang kampo ngayon ni Kathryn Bernardo kay Rambo Nunez at Maja Salvador.


Naghahanap na rin naman umano si Daniel Padilla ng panibagong management.


"Ang balita, ang kampo ni Kathryn Bernardo ay nakikipag-usap na kay Rambo Nunez kina Maja Salvador at si Daniel, kukuha na rin ng ibang management. Parang ganoon."


Sa kabilang banda, hinamon rin ni Manay Cristy Fermin ang ina ni Daniel Padilla na si Karla Estrada na magharap-harap sila ng kanyang source.


Ito'y kasunod na pabulaanan ni Karla ang isiniwalat niyang balita na totoong naghiwalay na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.


"Kami po maninindigan kaming tatlo na hiwalay na po talaga si Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Umamin na po si Karla Estrada sa isa niyang kaibigan na wala na, tapos na. Ang tanong na lang natin ngayon, kailan ito naganap?"


Hindi umatras si Cristy Fermin at hinamon pa si Karla Estrada dahil naniniwala siyang totoo ang sinabi ng kanyang source.


"Very vague po 'yung kanyang post. Hindi natin alam kung ano 'yung pinasisinungalingan niya. Wala bang katotohanan na siya ang naglantad ng paghihiwalay ng kanyang anak at ni Kathryn o walang katotohanan na hiwalay na? Dalawa 'yun," saad ni Cristy Fermin.


Dagdag pa nito, "Kaya sa panahong ito, hinahamon ko si Karla Estrada para malaman nating kung sino ang nagsasabi ng katotohanan at kung sino ang nag-iimbento lang. Tatlo tayong maghahara-harap."


Sa ngayon ay hindi pa sinasagot ni Karla Estrada ang hamon ni Cristy Fermin sa kanyang maghaharap-harap sila kasama ang sinasabing source upang lumabas na ang katotohanan at matapos na ang isyung hiwalayan ng dalawa.


Samantala narito naman ang ilang komento mula sa mga netizens.


"Tama lahat ng sinabi ni cristy not a kathniel fan pero sayang kalungkot din sana matapos ng maayos wala ng masakit na salitaan.."


"Galing ni nanay cristy magsalita, matalino siya❤anyways,😂anu ba masama kung hiwalay na eh ganyan naman ang buhay at bata pa sila❤"


"Wala naman masama kung naghiwalay cla. Ganyan talaga ang buhay di cla ang itinadhana. Pero Kung ganyan nagkakabawian ng sosyohan ng  business, hindi maganda ang paghihiwalay nila. Nagkaroon cla ng samaan ng loob, kung hindi sa parte lang ni kath or daniel, baka sangkot din ang mga magulang. At bilang proud maritess na gaya ko, un ang gusto kong malaman."


"Pabayaan natin nag kathniel malalaki na sila walang sino man mag didikta kung sino ang destiny nila nde sila pede pilitin na magkatuluyan, remember kahit alam natin na ang love team ang nagppapasaya at kilig sa atin nde yan pang havang bubay ang tv fantasy lang yan nilalaro mga isip at damdamin kaya tayong mga fans need natin malaman kung hanggang saan ang pagiging die hard fans natin sa mga artista dapat may limitsyon!"




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo