Pamilya Magalona, Dismayado Sa Biglaang Pagsisiwalat ni Abegail Rait

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Muling nagbigay ng saloobin ang dating publicist ni Francis Magalona hinggil sa naging pagsisiwalat ni Abegail Rait tungkol sa umano'y relasyon niya sa 'Master Rapper.'


Sa isang panayam, ipinahaya ni Pilar Mateo na kinukuwestiyon ng mga tao ang intensyon ni Abegail sa kanyang pagbubunyag  tungkol sa naging koneksyon niya kay Francis at sa pagpapakilala nito sa anak na si Gaile Francesca.


Iminungkahi din ni Pilar na dapat ding protektahan si Francesca kung siya ay totoong miyembro ng pamilya Magalona.


Pinayuhan pa niya si Abegail na dapat nitong iwasan ang pagtatangkang magkaroon ng hidwaan sa orihinal na pamilya ni Francis.


“Wag ka na munang makipagbanggaan sa pamilya, so okay nailabas na kayo ‘yung pamilya, na may relasyon kayo ni Francis, nagkaroon kayo ng relasyon, nagkaroon kayo ng anak, edi ayan inilabas mo na, ano pa ba after that, ano bang gusto mong mangyari? Kasi maapektuhan rin ‘yung anak mo.”


Naniniwala rin siya na hindi magiging epektibo kung balak ni Abegail na gamitin ang publicity na natanggap nila ngayon mula sa mga netizens bilang tiket sa showbiz para sa anak niyang si Gail Francesca.


“Ang kailangan sigurong paigtingin nilang mag-ina ay ayusin nila ang buhay nila, wag niyong banggain ang pamilya [Magalona],” pahayag ni Pillar.


“Kasi ‘yung pamilya ni Francis, nagsasalita na at makikita mo na masama ang loob nila, which is karapatan nila ‘yun na sumama ang loob nila dahil nagugulat sila. Hayaan na muna sila, hayaan na muna ‘yung mga bata,” dagdag pa niya.



Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo