Nakuhang Bungo Sa Soup Pot, Dalawang Legs Sa Ref, Kumpirmadong Si Abby Choi!

Miyerkules, Marso 8, 2023

/ by Lovely


 Batay sa lumabas na resulta ng DNA test na isinagawa sa nakitang mga legs sa refrigerator at bungo sa isang soup pot, nagpositibo ito sa DNA ng Hongkong Model and fashion icon na si Abby Choi.


Pinaghihinalaang pinaslang ang Hongkong model na si Abby Choi Tin-fung at karumal-dumal na tinadtad sa isang village house sa Lung Mei Tsuen, noong February 2023.


Ang natagpuang bungo sa isang soup pot at dalawang binti sa loob ng refrigerator ay isinalang sa isang DNA test at nakumpirma nang si Abby Choi talaga ang karumal-dumal na pinaslang.


Una nang naaresto at nasa poder na ng mga otoridad ang mga pangunahing suspek sa pamamaslang. Ito ay ang dati niyang mister na si Alex Kwong Kong-chi, 65 anyos na tatay nitong si Kwong Kau, 63 anyos na nanay na si Jenny Li Sui-heung, at 31 anyos na hipag na si Anthony Kwong Kong-kit.


Ayon sa mga ulat, isyu sa pera ang puno’t dulo ng hidwaan nina Abby at pamilya ng kaniyang ex-husband.


Samantala hanggang ngayon hindi pa nahahanap ang kaniyang mga torso at mga kamay.



@aisha_3686 #rip #ripabbychoi😢 #justice #justiceforabbychoi #viralvideo #trending #fyp #balita #internationalnews #hongkong #model #foryou #foryoupage #fypspotted #abbychoimuredered ♬ original sound - Aisha

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo