Kapamilya Marc Logan, Lilipat Na?

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


  Usap-usapan ngayon sa social media ang bali-balitang lilipat na ang kilalang Kapamilya broadcaster at journalist na si Marc Logan.


Kumakalat ngayon sa social media ang balitang lilipat na sa IBC13 si Marc Logan. Kaya naman, marami sa mga Kapamilya fans ang napapatanong kung totoo nga bang iiwan na ni Marc Logan ang matagal na niyang tahanan.


Nag-ugat ang mga espekulasyon na lilipat na si Marc Logan sa government owned network na IBC13 dahil sa inilabas  na teaser ng nasabing network na ibi-noice over ni Marc Logan.


"Sisenta'y trese, minsan namayagpag bilang numer unong istasyon sa mundo ng telebisyon sa ating kasaysayan IBC Channel 13 lang ang sakalam. 


"Ngayon magtatangkang ibalik ang kahapon. Aarangkada sa tamang panahon, magpapakilala sa kasalukuyang henerasyon, na minsan sa lumang henerasyon, ang inyong mga lolo't lola, tatay at nanay, ito ang naging kapiling sa buhay bilang mga team bahay!


"Mabuhay ang isang alamat. Buhayin ang isang tatak trese, sisentay trese."


Samantala, sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng pahayag si Marc Logan hinggil sa isyung ito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo