ABS-CBN May Sagot Sa Pagbabalik Ni Liza Soberano!

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely


 Matindi umano ang naging gusot sa pagitan nina Liza Soberano at ng tita niyang si Joni Lyn Castillo na dati niyang road manager noong nasa ilalim pa ang aktres sa pangangalaga ni Ogie Diaz.


Isiniwalat ng showbiz insider at talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang showbiz oriented vlog na hanggang ngayon ay hindi pa rin umano nagkakausap sina Liza Soberano at kanyang Tita na si Joni Lyn, mula nang lumipat ng talent agency ang aktres.


Pinabulaanan din umano ni Tita Joni na siya na ang magmamanage muli sa showbiz career ni Liza Soberano dahil hindi na umano sila nagkakausap.


Bagama't may mga negosyo naman umano sila ang nakakausap lamang umano niya ay ang representative ng aktres.


Ibinahagi rin ni Ogie Diaz ang nabasa umano niyang post ni Tita Joni na hinala niyang para kay Liza Soberano.


"You remembered everything. Sana natatandaan mo rin na sinabi ko sayo, pagdating ng panahon na makarating ka sa taas huwag na huwag mo akong babanggain dahil ako rin ang magpapabagsak sayo."


Nilinaw naman ni Ogie Diaz na ayaw niyang pangunahan si Tita Joni sa paglalabas ng pahayag patungkol sa dati nilang alaga na si Liza Soberano dahil kilala naman umano niya ito.


Hiling naman ni Ogie Diaz na sana ay magkausap na sina Liza Soberano at Tita Joni. Hiniling rin niya na sana ay bigyan naman umano ng pagkakataon ni Liza na kausapin ang kanyang tita.


Ipinahayag pa ni Ogie Diaz na may malaking naitulong naman si Tita Joni sa matagumpay na showbiz career ni Liza Soberano.


Hinala ni Ogie Diaz na may kinalaman ang nilipatan noong talent agency ni Liza Soberano sa hindi pag-uusap nila ni Tita Joni.


Nagbigay rin ng reaksyon si Ogie Diaz sa social media post ng ama ni Liza Soberano kung saan ibinahagi nito ang pagbati ng ABS-CBN sa kanyang anak.


Sa nasabing post hayagan pang kinol-out ng ama ni Liza Soberano sina Ogie Diaz at si Cristy Fermin kung saan tinatanong niya kung ano ang magiging reaksyon nila sa pagbati ng network kay Liza.


Ayon kay Ogie Diaz wala naman siyang ibang masasabi kundi congratulations para kay Liza sa pagpapalabas sa hollywood movie na Lisa Frankenstein kung saan ito kabilang.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo