Kapamilya Aktres Kabilang Sa Bagong Sang'Gre Ng Gma-7!

Martes, Oktubre 24, 2023

/ by Lovely

Pormal nang ipinakilala ang Kapuso actress na si Bea Umali na kabilang sa mga pinakabagong Sang'gre sa inaabangang Encantadia Chronicles Sang'gre.


Inanunsyo na sa 24 Oras ang karakter na gagampanan ni Bea Umali bilang si Tera ang nawawalang anak ni Sang'gre Danaya.


"Maraming salamat, no other words pauli-ulit kung sinasabi na I am very thankful of course to my supporters. Hindi ko hiniling ito pero ipinagkaloob sa akin. That's why I'm very very thankful.


"Thankful to my network kasi sa tiwala, I assure them they will not be disappointed. I will not fail anyone," emosyunal na pahayag ni Bianca Umali.


Ibinahagi naman ni Bianca ang labis na paghahanda niya sa kanyang gagawing role kabila na ang pag-eensayo dahil hindi naman maiiwasan ang mga action scene sa nasabing serye.


Ayon kay Bianca, parang naghahanda umano siya para sa isang Marvel movie kung pagbabasehan ang kanyang pag-eensayo.


Nagre-research din umano siya sa kanyang maging role at hinahasa ang mga kakailanganin niyang skills at physique para maging tunay na Sang'gre.


Inamin rin ni Bianca na noon pa man ay gusto na niyang mapabilang sa mga cast ng Encantadia, subalit hindi umano siya pinalad na mapabilang rito dahil sina Kylie Padilla, Sanya Lopez, Glaiza De Castro, at Gabbi Garcia ang napili ng nework.


Isiniwalat pa ni Bianca na noon pa man ay gusto na niyang mahawakan ang brillante ng lupa na nasa kamay noon ni Sanya Lopez bilang Danaya na ngayon ay mapupunta naman sa kanya.


Ngayon pa man ay iniimbitahan na niya ang kanyang mga tagahanga na suportahan ang kanyang upcoming series.


Sa kabilang banda, usap-usapan naman ngayon na isa sa gaganap bilang Sang'gre ay isang Kapamilya star lalo pa't nauuso ngayon ang mga collaborations.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo