Marvin Agustin Umamin Na Sa Kaniyang Relasyon, Kamusta Na Sila Ni Markki?

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely


 Muli na namang nabuhay ang intriga noon sa actor businessman na si Marvin Agustin nang sagutin niya ang katanungan ni Tito Boy patungkol sa estado ng kanyang puso ngayon.


Inamin ni Marvin Agustin sa panayam sa kanya ni Boy Abunda na hindi na siya single ngayon. Ayon kay Marvin Agustin, may nagpapasaya na sa kanyang puso.


Kaya naman, kaagad itong umani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga netizens ang pag-amin na ito ni Marvin Agustin lalo pa't tila pinagpawisan ito habang sinasagot si Tito Boy.


May mga naghinalang 'lalaki' ang nagpapasaya kay Marvin ngayon. Marami ang nagsasabi na pwede nang umamin ang aktor dahil 2023 na naman.


May mga nagsasabi pang baka sila pa rin umano ni Markki Stroem, matatandaan na naging item noon sina Marvin at Markki dahil sa pagkalat ng kanilang larawan sa hindi kaaya-ayang posiyon sa itaas ng kama.


May mga nagpapatunay pa noon sa relasyon ng dalawa na pilit lamang umanong tinatago sa takot na mabash ng mga netizens lalo na't pareho silang nagtatrabaho sa showbiz industry.


Sa kabilang banda, iginiit naman noon ni Marvin Agustin na talagang magkaibigan lamang sila ni Markki at hindi umano makatotohanan ang mga larawan na kumakalat patungkol sa kanilang dalawa. Wala umano silang relasyong dalawa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo