Vice Ganda Pinatatanggal Na Ng Shopee Users Bilang Endorser Dahil Sa Ringtone Nito!

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely

Umaani ng samu't-saring reaksyon mula sa mga Shopee users ang ringtone ng Unkabogable Star bilang panibagong ringtone ng Shopee tuwing may natanggap na notification.


Naglabasan ngayon ang ilang mga reaction videos mula sa mga netizens na hindi nagustuhan ang bagong notification ringtone ng Shopee dahil nakakatakot umano.


May mga nagsasabi pang nagugulat umano sila sa tuwing magnonotify sa kanila ang Shopee. May mga napilitan pang i-silent na lamang ang kanilang mga cellphone dahil naiinis sila sa tunog ng natatanggap na notifications mula sa Shopee.


May mga hayagan pang nag-call out sa Shopee na tanggalin at ibalik na lamang umano nila ang dating notification ringtone dahil talagang hindi maganda ang boses ni Vice Ganda.


Kinukwestyon pa ng iba kung bakit naisipan ng Shopee na palitan ang dating ringtone nila sa 'Shop ganern' ni Vice Ganda na may kasama pang horse sound.


Sa kabilang banda, may ilang mga tagahanga naman si Vice Ganda na dumipensa sa kanya kung saan sinasabi nilang tolerable naman ang notif kung saan talagang matitingnan mo ang iyong cellphone sa pagtunog nito.




 

Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo