MTRCB Maglalabas Na Ng Desisyon Sa Kaso Laban Sa Eat at It'S Showtime

Biyernes, Setyembre 1, 2023

/ by Lovely

Inaasahang maglalabas na ng desisyon ang MTRCB hinggil sa mga violations na nilabag umano ng mga noontime shows na It's Showtime at E.A.T.


Ayon sa aming nakalap na impormasyon, maari na umanong ilabas ng MTRCB ang kanilang desisyon hinggil sa mga ipinatawag nilang noontime shows.


Matatandaan na nauna nilang ipinatawag ang production ng It'sShowtime matapos ang indecent na pagkain nina Vice Ganda at Ion Perez sa cake icing.


Bukod rito, ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto, hindi lamang ang violation nina Vice Ganda at Ion Perez ang kanilang p[ag-uusapan kundi maging ang mga nauna na ring violation ng It's Showtime.


Sa sumunod na linggo ipinatawag naman ng MTRCB ang production ng E.A.T dahil sa pagmumura ni Wally Bayola. Ito'y sa kabila ng paghingi ng paumanhin ni Wally.


Samantala, may mga kumakalat ngayong mga usap-usapan na umano'y kakasuhan ng MTRCB ang It's Showtime. Subalit, hindi pa ito kinumpirma ng MTRCB at wala pa rin silang inilalabas na official statement.


Ayon naman sa ilang mga mapagkakatiwalaang source, may magaganap muna umanong general meeting sa MTRCB kung saan tatalakayin nila kung karapat-dapat bang bigyan ng parusa ang E.A.T at It's Showtime.


Pag-uusapan umano nila itong mabuti at ayon pa sa aming nakalap na impormasyon, hindi kasama sa mga magbibigay ng desisyon ang MTRCB Chairperson na si Lala Sotto.


Ito'y tila sa hinaharap nitong isyu ng unfair judgement dahil kamag-anak ito ng main host ng E.A.T.


Sa ngayon ay tila nag-iingat na naman ang mga hosts ng mga shows na nagla-live telecast upang maiwasan ang pagpapatawag sa kanila ng MTRCB.





Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo