Buong Detalye Ng No Permit Taping Ng FPJ's Batang Quiapo Sa Bacolor Pampanga!

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Hindi nagustuhan ng mga taga Bacolor Pampanga ang taping ng Kapamilya hit series na Ang Batang Quiapo.


Nagrereklamo ang ilang mga taga-Bacolor Pampanga sa taping ng Ang Batang Quiapo dahil nagdulot umano ito ng mabigat na trapiko sa loob ng isa hanggang dalawang oras.


Apektado rin sa nangyaring traffic ang mga studyante at manggagawa. Napilitan na lamang umanong maglakad ang mga ito pauwi sa kani-kanilang tahanan.


Samantala, ayon sa aming nakalap na impormasyon, lumalabas na wala palang permit si Coco Martin sa local government ng Pampanga na gumawa ng taping sa mga oras na iyon.


Ayon sa inilabas na pahayag ng Mayor ng Bacolor Pampanga, hindi umano nila alam na nagsagawa ng taping si Coco Martin sa kanilang lugar.


"Hindi sila kumuha ng permit sa amin (COCO MARTIN'S SHOW). Tinawagan ko ang Police at BFP, ang sabi daw sa kanila akala nila sa San Fernando ang lugar. Sabi ko mali ang ginawa nila pero hindi ko na pinatigil as coutesy dahil nandoon na sila at patapos na rin naman pero sabi ko ayusin nila sa susunod."


Dahil sa pahayag na ito ng mismong Mayor ng lugar, may ilang mga residente na nakakaintindi. Subalit hindi pa rin maitatanggi na may mga hindi nakakaintindi at dismayado pa rin kay Coco Martin dahil sa perwisyong naidulot nito.


Hiling ngayon ng mga taga-Bacolor na hindi na maulot ang nasabing insidente dahil nakakaabala umano ito sa mga nagnanais nang umuwi at magpahinga mula sa maghapong pagtatrabo at sa pag-aaral ng mga studyante.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo