Rendon Labador, Tuluyan Na Nga Bang Kinarma Dahil Sa Ginawa Sa It’S Showtime.

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Ibinahagi ng motivational speaker na si Rendon Labador sa lahat ng mga netizens na tuluyan na siyang na-ban sa Facebook.


Sa ngayon ay hindi na maisi-search pa sa Facebook ang official account ni Rendon Labador patunay na talagang wala na ang kanyang account.


Matatandaan na nitong nakaraang linggo lamang, ibinahagi ni Rendon Labador na at risk na sa pagkaka-unpublished ang kanyang Facebook account dahil sa mga reports na natanggap niya mula sa mga netizens at ang hindi niya pagsunod sa community standards ng Facebook.


Sa kabila ng natanggap na warning ng Facebook, patuloy pa rin si Rendon Labador sa pambabanat sa ilang mga artista. Talagang hindi nagpapatinag si Rendon Labador at ipinahayag pa ang kanyang kasiyahan sa pagkaka-suspinde ng It's Showtime.


Dahil dito, tila maraming mga madlang pipol ang nagreport sa kanyang account kaya naman tuluyan nang binura ng Facebook ang kanyang account.


Naunang na-ban ang Tiktok account ni Rendon Labador. Sa kabila ng kanyang pag-aapela hindi parin ibinalik ng TikTok ang kanyang account.


Samantala, may mga nagsasabing tila  kinakarma na umano ngayon si Rendon Labador dahil sa sunod-sunod na pambabanat niya sa mga artista at mga personalidad na wala namang ginawang mali sa kanya.


Sa kabila ng nakakalungkot na balitang ito para kay Rendon Labador, tila nagbubunyi naman ang mga fans ng mga personalidad na binabanatan noon ni Rendon Labador.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo