Bea Alonzo Atat Ng Mabuntis! Ayaw Ng Patagalin Ang Kasal!

Huwebes, Setyembre 7, 2023

/ by Lovely


 Nasa paglilista na para sa guest ng kanilang magiging kasal ang celebrity couple na sina Bea Alonzo at Dominic Roque.


Sa kamakailang YouTube vlog ni Bea Alonzo, inamin niyang tila hindi matutupad ang kanyang pangarap na intimate wedding dahil sa dami ng mga kaibigan nila ni Dominic na gusto niyang maging kabahagi ng kanilang kasal.


Isiniwalat din ni Bea Alonzo sa kanyang vlog na hindi na nila patatagalin pa ang engagement dahil pareho na naman umano silang handa at nais na nilang umpisahan ang pagbuo ng pamilya.


Humihingi na rin umano ng apo ang kani-kanilang magulang ni Dominic Roque.


Sa ngayon ay hindi pa rin nakakapili sina Dominic at Bea Alonzo kung sino ang magiging wedding sponsores nila at iba pang kabilang sa entourage. Hindi din umano naging madali ang kanilang pagpipili dahil napakarami nga ng kanilang mga kaibigan.


Bukod dito, inaabangan din ng mga fans ng celebrity couple kung kailan talaga magaganap ang kasal ng dalawa dahil sinabi na ni Bea na hindi na nila patatagalin pa ang kanilang pagiging engage.


Sa ngayon ay patuloy pa rin naman ang pagtanggap ni Bea ng mga trabaho at si Dominic naman ay nagpunta sa ibang bansa kasama ng mga kaibigan nito.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo