Yorme Isko Moreno Nakausap Na Sina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, Nagpaalam Nagpasintabi

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Isko Moreno nagsalita na sa isyung hindi siya naging loyal sa TVJ ng Eat Bulaga.


Nagsalita na si Dating Manila Mayor na si Yorme Isko Moreno, ipinunto niyang nagpasintabi siya kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey De Leon, bago niya tinanggap ang offer ng TAPE Inc. na pumasok bilang host ng rebranded Eat Bulaga.


Matatandaan na isa si Yorme Isko Moreno sa mga bagong hosts ng Eat Bulaga ng TAPE Inc. na pinangungunahan ng mga Jalosjos. Kinukumpara din si Isko Moreno at sinasabing si Isko ang naging counter part ni Vic Sotto sa show.


Subalit ayon kay Isko, hindi siya nararapat na tinuturing bilang counterpart ni Bossing Vic Sotto sa show dahil hindi niya pwedeng pantayan o palitan ang nagawa ng Trio sa show. 


Ayon sa kanya, hindi naman niya kailangang magpaalam kina Tito, Vic at Joey bago tanggapin ang offer ng TAPE Inc. Subalit, dahil may respeto siya sa Trio, nagpaabot siya ng mensahe sa pamamagitan ng kanilang common friend.


Bagama't hindi umano sila nagkita ng personal, naipabatid niya sa TVJ na may paggalang siya sa mga ito kahit pa tinanggap niya ang trabaho bilang host ng Eat Bulaga. Ayon naman umano sa kaibigan ni Yorme na naging tagapamagitan kina Isko at TVJ, nag okay naman daw ang Trio at sinabing walang problema sa pagpasok ni Isko sa programa dahil ito ay trabaho lamang.


Tila may katotohanan naman ito dahil mismong si Joey De Leon ang nagpahayag sa isang panayam na nasilip niya mismo ang panibagong Eat Bulaga. Ayon kay Joey De Leon, walang problema sa kanyang ang mga panibagong Eat Bulaga hosts na siyang pumalit sa kanila dahil tinanggap nila ito dahil sa trabaho.


Tila ganito  din malamang ang pag-iisip nina Tito at Vic Sotto dahil pareho naman silang professional. Kaya naman matapos malaman ni Isko ang sagot ng Trio, tila gumaan naman umano ang kanyang dibdib dahil alam niyang hindi siya nakasagasa ng tao.


Ayon pa kay Isko, masaya siya sa ginagawa niya, sa pagreretire niya sa pulitika at ang pagpasok niya ngayon sa Eat Bulaga bilang host ay parang comeback niya sa showbiz.


Hindi naman umano naging mahirap ang hosting para kay Isko Moreno dahil nahasa na siya noon sa That's Entertainment at GMA Supershow ni Kuya Germs. Kaya naman, mapapansin na talagang sanay siya sa hosting at mabilis siyang makapagreact ng tama.


Matatandaan na kaagad na nakapag-adlib si Isko Moreno nang may lalaking nagkamali at nagkapagpasalamat sa TVJ para sa premyong nakuha mula sa kanila ni Buboy Villar.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo