Felipe Gozon of GMA7 Natakot Sa Pagpasok Ng TVJ Sa TV5 Kukunin Ang It's Showtime

Linggo, Hunyo 18, 2023

/ by Lovely


 Usap-usapan ngayon sa mundo ng showbiz ang umano'y pagkatakot ni Felipe Gozon sa TV5 ngayong nasa network na nito ang TVJ.


Ito'y matapos na mapabalitang may negosasyon na umanong nagaganap ngayon sa pagitan ng GMA at ABS-CBN. Ayon sa mga usap-usapan, balak daw na kunin ng GMA7 ang noontime show ng Kapamilya network na It's Showtime. 


Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami na sa darating na buwan ng July ay opisyal nang eere sa TV5 ang show ng TVJ. Ang show umano ng original Eat Bulaga hosts ang ilalagay ng TV5 sa noontime timeslot, kaya naman ang ibig sabihin lang nito mawawala na sa dating timeslot ang It's Showtime. 


Mas pinili umano ng TV5 ang TVJ kaysa sa It's Showtime para sa noontime slot, kaya naman lumalabas na mas pinahalagan ng naturang network ang mga Dabarkads at tila mas may tiwala sila sa kakayahan ng TVJ na mapalawig ang kanilang supporters.  Nauna nang naibalita na ililipat lamang ng timeslot ang It's Showtime.


Gayunpaman, marami na ang nag-aabang sa pagbabalik television ng iconic trio at mukhang ito na rin ang simula ng pagboost sa mga iba pang palabas ng TV5. Alam din umano ito ng CEO ng GMA7 na si Felipe Gozon.


Sa ngayon ay may nagaganap na umanong negosasyon sa pagitan ng GMA7 at ng ABS-CBN, dahil binabalak umano ng huli na ilipat ang It's Showtime sa GTV na isang ring network na pag-aari ng GMA. 


Sakaling man na magaganap ang partnership na ito, tatlong programa na ang magtatapatan sa tanghali ang  TVJ sa TV5, Eat Bulaga sa GMA7 at It's Showtime naman sa GTV.


Talagang hindi nagustuhan ng ABS-CBN ang ginawa ng TV5 na balewalain na lamang basta-basta ng mga ito ang It's Showtime na hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na tinatangkilik ng marami Pilipino sa loob at labas ng bansa.




Walang komento

Mag-post ng isang Komento

Share your opinion now!

Don't Miss
© all rights reserved
made with by templateszoo